Sunday , November 17 2024
road accident

Magulang, pedestrian sugatan sa sumemplang na motorsiklo
SANGGOL NAGULUNGAN NG DUMP TRUCK, PATAY

PATAY ang isang 7-buwang gulang na sanggol nang magulungan ng isang dump truck habang sugatan ang kanyang mga magulang nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo matapos iwasan ang isang tumatawid na babae sa Sitio Pukatod, Brgy. Payao, sa bayan ng Binalbagan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 29 Nobyembre.

Binawian ng buhay ang sanggol na babae habang sugatan ang kanyang mga magulang na kinilalang sina Jose Jingo Gantes, 32 anyos, at Riza Mae Clair, 23 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Bi-ao, sa naturang bayan.

Ayon kay P/Maj. Ellendie Rebusquillo, hepe ng Binalbagan MPS, nang magtangkang mag-overtake ng amang si Jose sa isang dump truck na may dalang mga tubo ay bigla niyang iniwasan si Annabelle Geocada na papatawid noon sa kalsada.

Ani Rebusquillo, natamaan din ng motorsiklo si Geocada kaya tuluyang nawalan ng kontrol si Jose sa minamanehong motorsiklo na natumba sa sidewalk.

Sugatan ang mag-asawa habang ang kanilang sanggol na anak ay nagulungan ng dump truck na agad namatay dahil sa pinsala sa kanyang ulo.

Samantala, pinalaya sa kustodiya ng pulisya ang driver ng dump truck matapos makipag-areglo nitong Miyerkoles, 30 Nobyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …