Thursday , December 5 2024
Eric Labog, Jr Chess

Labog , 6 woodpushers magkasalo

TAGAYTAY CITY — Napuwersa si National Master Eric Labog, Jr., sa seven-way tie para sa tuktok ng liderato matapos ang crucial third-round victory sa Asian Juniors and Girls Chess Championship 2022 na ginanap sa Knights Templar Ridge Hotel sa Tagaytay City nitong Linggo.

Ang 19-anyos na si Labog, freshman student ng Immaculada Concepcion College ay ginulat si FIDE Master Arman Hakemi ng Iran para makasama sa top spot sina top seed IM Neelash Saha ng India, IM Harshavardhan G B ng India, IM Sugar Gan-Erdene ng Mongolia, Chatterjee Utsab ng Indonesia, IM Raahul V S ng India, at IM Avinash Ramesh ng India na may tig 2.5 points sa Boys division.

Bago ang laro kay Hakemina, si Labog, suportado ang kampanya nina Immaculada Concepcion College President Marcelino Vincente Agana, at Director Administrative Services Department/ School Director Mr. Raul S. Acapulco ay diniskaril si Arena FIDE Master Michael Michio Dela Cruz sa first round at nakipaghatian ng puntos kay International Master Michael “Jako Concio, Jr., sa second round.

Muli, nauwi sa tabla ang laro ni Concio kay Ramadhan Dziththauly ng Indonesia sa third round tungo sa total 2.0 points, iskor din na naitala nina FM Sapenov Daniyal ng Kazakhstan, FM Daniel Hermawan Lumban         Tobing ng Indonesia, Fernanda Agus Saputra ng Indonesia, Dau Khuong Duy ng Vietnam,  Dziththauly Ramadhan ng Indonesia, at Christian Mark Daluz ng Filipinas.

Sa Girls division ay binigo ni WIM Nazerke Nurgali  ng Kazakhstan si FM Anousha Mahdian ng India tungo sa 2.5 points at pag-akyat sa 1st hanggang 5th places. May tig 2.5 points din sina top pick WIM Assel Serikbay ng Kazakhstan, WIM Amina Kairbekova ng Kazakhstan , WIM Rakshitta Ravi ng India, at WIM Ngoc Thuy Duong Bach ng Vietnam.

Ang laban nina Serikbay at Kairbekova ay nauwi sa tabla gayondin sina Bach at Ravi.

Nakaungos si Marian Calimbo ng Filipinas kay WCM Jia-Tien Chua ng Malaysia tungo sa 2.0 points.

Ang ipinagmamalaki ng Cebu na si Calimbo ay nakisalo sa 6th hanggang 8th places kasama sina WFM Bhagyashree Patil ng India at WFM Mitra Asgharzadeh ng Iran.

Tumulong sa nasabing event sina Tagaytay City Mayor at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, Cavite Vice Governor at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Vice President Athena Bryana D. Tolentino, Asian Chess Federation (ACF), at ang Philippine Sports Commission (PSC). (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …