Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil pampakalma ng anxiety attacks

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Richard Villano, 28 years old, hotel staff, na naharap sa ilang health issues.

               Nagsimula po ito nang mawalan ako ng trabaho nitong nakaraang pandemic. Nagsara po ang pinapasukan kong maliit na hotel sa Iloilo. Hindi naman po ako nakauwi kaagad kasi nga pandemic.

               Para mabuhay, tumira po ako sa isang kubo na walang koryente at tubig. Hindi ko po alam kung paano ako nag-survive pero roon po siguro nag-umpisa ang anxiety attacks ko.

               Halos anim na buwan po akong namuhay sa ganoong kalagayan, hindi ko alam kung paano ko nalampasan dahil ang savings ko ay P3,000 lang at hindi na rin ako nakapagpadala sa aking pamilya sa Quezon City.

               After 6 months ay saka lang po ako nakauwi, na-relieve ako dahil nakita kong maayos naman ang kalagayan ng pamilya ko.

               Pero paglaon ay matutuklasan namin na ako pala ang hindi okey. Minsan po ay hindi ako makatulog at kung nakatutulog naman, ay biglang nagigising sa masamang panaginip.

               Isang pagkakataon na ako po’y nagising dahil sa masamang panaginip, agad akong nilapitan ng partner ko at minasahe ang aking ulo ng isang oil, hindi ko po alam kung anong oil. Basta ang natandaan ko kumalma ako at muling nakatulog.

               Kinabukasan, tinanong ko kung ano ‘yung oil, ang sabi ng partner ko, Krystall Herbal Oil ng FGO. Sabi ko puwede bang bago matulog sa gabi ay ulitin ang pagmasahe sa ulo ko.

               Pero hindi lang ang ulo ko, ang ginawa niya, pati likod ko ay hinaplasan ng Krystall Herbal Oil, hayun nakatulog ako nang mahimbing at hindi na ginambala ng masamang panginip.

               Sa tulong ng prayers sa Diyos at haplas ng Krystall Herbal Oil nararamdaman ko po na umiigi ang pakiramdam ko.

               Kasabay po niyan ay natanggap na rin ako sa isang hotel dito sa Metro Manila, hindi ko na po kailangan pang magtrabaho sa probinsiya.

               Maraming salamat po Sis Fely Guy Ong dahil malaking tulong sa amin ang inyong Krystall Herbal Oil — tunay na miracle oil.

Lubos na nagpapasalamat,

RICHARD VILLANO

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …