Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

OFW nakaranas ng ‘symptoms’ ng mabagsik na virus  pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Lawrence Bas, 42 years old, isa po akong overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore. Nagtatrabaho po ako bilang sales clerk sa isang sikat na boutique na dinarayo ng mga Pinoy. Dito po kasi sa Singapore, bawat mall, department store, o boutique ay may empleyadong Pinoy.

               I-share ko lang po ang experience ko nang magbakasyon ako riyan sa Bulacan last month. Umuwi po ako kasi lumuwag na po ang pagbibiyahe. Mula pa noong mag-pandemic, last month lang ako nakauwi.

               Ang siste, pagdating na pagdating ko po sa Bulacan, nagkaroon ako ng sipon, at kinabukasan ay nilagnat na ako. Kinakabahan na po ako, kasi baka nadale na ako ng mabagsik na virus.

               Mabuti na lang po at nariyan ang tiyahin ko na may stocks ng Krystall Herbal Oil.

               Ayaw ko nga siyang palapitin dahil ang plano ko ay mag-isolate habang hindi nakaklaro kung saan galing ang sipon at lagnat. Pero sabi niya, hayaan mo munang haplasan kita ng Krystall Herbal Oil.

               Kaya hayun hinaplasan niya ako mula ulo hanggang paa. Pinunasan rin niya ako ng tubig na may suka dahil iyon daw po ang turo ninyo para mabilis na humupa ang lagnat.

               Pagkatapos ko pong mag-breakfast ay pinainom niya ako ng Krystall Nature Herbs at Krystall Yellow Tablet at hinayaan akong matulog at makapagpahinga.

               Hapon na po nang magising ako at wala na ang sipon at lagnat. Tuwang-tuwa po ako lalo’t hindi naman ako nawalan ng panlasa at pang-amoy.

               Kaya hayun, naging masaya ang bakasyon ko, kasi wala pang dalawang araw, gumaling agad ang sipon at lagnat ko dahil sa Krystall products at FGO-style na panggagamot.

               Maraming salamat po Sis Fely dahil napakahusay ng inyong imbensiyon. Patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon.

Sumasainyo,

LAWRENCE BAS

Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …