Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Nelson Estrella, 48 anyos, isang factory worker, naninirahan sa Valenzuela City.
Ang concern ko lang po, ang aking nakakukunsuming dermatitis. Nang ilapit ko ito sa isang dermatologist, sabi niya, lotion lang ang katapat niyan. Pinabili niya ako ng isang napakamahal na lotion pero walang nangyari, lalo pa akong nangati.
Minsan habang breaktime namin, nakita ko ang isang katrabaho na may inihahaplas sa kanyang sentido para mabilis daw siyang makatulog at masulit ang breaktime.
Itinanong ko kung ano ang inihahaplas niya. Ang sagot, “heto, ang miracle oil na Krystall Herbal Oil na kayang gamutin ang maraming problema sa kalusugan.
Natawa ako, at pabiro kong itinanong, “weh kaya ba niyan ang dermatitis ko?”
Sabi niya, “aba oo, heto subukan mo. Kumuha ka nang kaunti at ihaplas mo sa parte ng katawan mong nangangati.”
Ginawa ko nga po ang sinabi niya. Hinaplas ko at hinayaang maabsrob ng skin ko ang oil. After 15 minutes, nakita ko nawala ang pamumula at nawala rin ang nararamdaman kong pangangati.
Kaya ang ginawa ko po mabilis akong naghanp ng mabibilhan ng Krystall Herbal Oil na itinuro sa akin ng katrabaho ko.
Seven days na po akong gumagamit nitong Krystall Herbal Oil at ako po’y natutuwa dahil naiibsan ang nararamdaman kong iritasyon sa aking balat.
Malaki po ang aking pasasalamat na naituro sa akin ito ng aking co-worker. Ganoon din po sa inyo Sis Fely, maraming salamat po dahil napakahusay ng inyong imbensiyon.
NELSON ESTRELLA
Valenzuela City