Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely
Ako po si Dindo Donato, 32 years old, naninirahan sa Cavite.
Nitong nakaraang linggo ay may nakatatawa at nakahihiyang karanasang nangyari sa akin.
Late na nang magising ako, kaya naligo akong dali-dali sabay hablot ng isang tuwalya sa sampayan.
Sa madaling sabi, natapos na ako maligo at nagpunas na ng tuwalya.
Maya-maya nakaramdam ako ng halos sabay-sabay na kagat ng maliliit na ngipin, mahapdi, sabi ko aray, aray!
Sabi ng ate ko, bakit ano nangyari? Sabi ko pakitingnan ang likod ko at parang pinapak ng kung anong insekto.
Hayun pagtingin nga niya, puro pantal at panay ang rekorida ng mga langgam na doon pala nagmula sa aking tuwalya.
Agad inilabas ni ate ang kanyang matagal nang sikreto, ang Krystall Herbal Oil. Agad niyang pinahiran isa-isa ang mga pantal, na talagang kinikilabutan ako sa sakit at hapdi.
Sabi ni Ate, “maghintay ka lang ng 30 minutes, unti-unti nang mawawala ‘yan.”
Aba, totoo nga, after 30 minutes, nawala ang mga pantal pati ang hapdi at sakit.
Maraming salamat Sis Fely sa napakahusay ninyong imbensiyon.
Lubos na nagpapasalamat,
DINDO DONATO
Cavite