Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Turista sa Cebu nahiwa ng corals sa paa nang mag scuba diving pinaampat ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyo Sis Fely at sa lahat ng inyong staff at kay Sis Soly. Ako po si Robina Artemio, 52 years old, taga-Las Piñas City.

         I-share ko lang nang minsan kaming mag-summer getaway sa Mactan, Cebu City. Hindi ko po akalain na hanggang Cebu ay sikat na sikat ang produkto ninyong Krystall at ang pangalan ninyo’y bukambibig sa bawat sisters and brothers doon.

         Birthday po noon ng isang kapatid ko at kami’y niyaya niya na mag-weekend sa Cebu. Pagdating namin doon nagyaya siyang mag-scuba diving. Umarkila siya ng bangka at kami’y nag-picnic sa laot. Dahil sanay naman ako sa dagat, lumangoy-langoy lang ako sa gilid ng Bangka at hindi na nagsuot ng scuba diving gear, hinayaan ko na sa mga bata.

         E dahil nalilibang na ako, hindi ko napansin na napalalim na pala ako at napaapak sa corals, ay sus napansin ko lang pag-ahon nagdurugo na ang paa ko. Malakas ang pagdurugo at halos hirap na hirap kaming ampatin.

         Maya-maya biglang binuksan ng pinsan kong si Kuya Rolly ang kanyang belt bag at inilabas ang baon niyang Krystall Herbal Oil. Sabi niya, ipahid mo ito sa sugat tingnan mo maya-maya aampat na ‘yan.

         Wala pang limang minuto nang ipahid ko ang Krystall Herbal Oil, naramdaman ko nawala ang kirot tapos. Tapos maya-maya pa, tuluyan nang tumigil ang pagdurugo.

         “Kitam!” Sabi ni Kuya Rolly.

         Mula po noon talagang hindi na rin ako nagpawala ng Krystall Herbal Oil sa aking bag at sa aming bahay. Idinagdag ko na rin po sa supplements ko ang Krystall Nature Herbs at ang Krystall Vitamin B1 & B6.

         Maraming salamat po sa inyong napakahusay na imbensiyon Sis Fely, nawa’y patuloy kayong biyayaan ng kagalingan at pagpapala ni Yahweh El Shaddai.

Nagpapasalamat,

ROBINA ARTEMIO

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …