Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Retiradong hospital healthcare worker hiyang sa alagang Krystall

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Rizalino Bagtas, 73-years old, retired healthcare worker, at ngayon ay naninirahan sa Parañaque City.

               Dito po ako nakabili ng bahay sa Parañaque, ginamit ko po ang nakuha kong benepisyo nang magretiro ako bilang empleyado ng gobyerno sa isang pampublikong ospital.

               Hindi naman po malaking-malaking halaga ang aking retirement, sapat lang para hindi ako umasa sa aking mga anak sa pangangailangan ko ngayong retirado na ako lalo ng pambili ng maintenance medicines.

               Ang higit ko pong ikinatutuwa ngayon, ang pag-aalagang ginagawa sa akin ng Krystall herbal products na imbensiyon ninyo.

               Sa totoo lang, nitong nakaraang kasagsagan ng sabi nila ay pananalasa ng virus na nakahahawa at nakamamatay, wala akong ginawa kundi doblehin ang pag-iingat at dinoble ko rin ang pagkonsumo ng Krystall Vit. B1 B6, Krystall Nature Herbs at inyong miracle oil na Krystall Herbal Oil. Hindi po ito nawawala sa tabi ko. Mula sa kagat ng mga insekto o lamok hanggang sa pananakit ng aking mga kasu-kasuan, ‘yang Krystall Herbal Oil ang aking solusyon.

               Hindi naman po sa ako’y nagyayabang, sa awa at tulong po ng Yahweh El Shaddai, hindi ko nakasalubong ‘yung mapanalantang virus. Kahit na nga sinasabi nilang ngayon ay humina na, patuloy pa rin ang aking pag-iingat.

               Kaya nais ko pong i-share sa mga kapwa ko senior citizen na gawin ninyong kapamilya ang mga produktong Krystall ni Sis Fely Guy Ong. Dahil itong mga produktong Krystall ay buong puso kayong aalagaan.

               Muli maraming salamat po Sis Fely.

RIZALINO BAGTAS

Parañaque City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …