Friday , November 7 2025
riding in tandem dead

Bombay patay sa riding in tandem!

PATAY ang isang indian national habang nangongolekta ng 5-6 ng tambangan ito at pagbabarilin ng ‘riding in tandem’ sa Kasiglahan Village, Montalban Rizal.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya kinilala ang nasawi na si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang suspek gamit ang motorsiklo bilang gateway .

Dakong 8:30 ng umaga August 10, sakay ang biktima ng Honda beat motor nito sa Blk- 26 Phase-1A, Kasiglahan Village, Brgy., San Jose sa Lugar.

Biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan na agaran nitong ikinamatay.

Target na ng manhunt operation ng pulisya ang mga suspek at nililikom na din ang mga CCTV footage sa lugar.

Sinisilip na din ng pulisya ang anggulo na away negosyo at iba pang motibo. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …