Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Terence dela Costa, 38 years old, isang bank teller sa Makati City.
Ingat na ingat po ako sa kagat ng lamok kasi nga tag-ulan na. Kapag ganitong panahon alam nating nauuso ang dengue.
Pero hindi ko inaasahan na sa isang sopistikadong banko na aking pinagtatrabahuan ako papapakin ng lamok.
Noong una ay hindi ko pansin. Paspas nang paspas lang ako sa aking paanan. Pero pag-uwi ko ng bahay, aba, nakita ko, ang daming namumulang pantal sa aking paa at binti.
Agad ko pong hinugasan ng maligamgam na tubig at sinabon maigi ng guava soap.
Nang bahagya nang natutuyo, kumuha ako ng bulak saka isa-isa kong dinampian ng Krystall Herbal Oil ang mga namumulang pantal.
Nawala po agad ang pangangati at paggising ko kinabukasan ay wala nang bakas ng mga kagat ng lamok.
Kaya pagdating ko po sa banko agad kong pina-spray-an ng mosquito repellent ang ilalim ng aking desk bukod pa sa nagbaon ako ng Krystall Herbal Oil.
Maraming salamat po Sister Fely sa mahusay ninyong imbensiyon.
TERENCE DELA COSTA
Makati City