Dear Sis Fely Guy Ong,
Gusto ko pong i-share ang experience ko nang makaramdam ako ng matinding muscle spasm habang ako’y nag-iisa sa bathroom.
Ako po si Romeo Panaligan, 48 years old, master carpenter, residente sa Muzon, San Jose del Monte, Bulacan, empleyado sa isang real estate company.
Ang nangyari pong muscle spasm ay madalas kong nararanasan kaya naman gumawa ako ng paraan para alam ko kung ano ang gagawin sakaling umulit.
Minsan po kasi, habang naliligo ako bigla akong napaikot pero biglang may nanigas sa tagiliran ko, napakasakit po talaga, parang pakiramdam ko ay iyon ang ikamamatay ko.
Tinuruan po ako ng misis ko kung paano sosolusyonan. Tumayo raw po ako at ang kamay (kung saang bahagi may muscle spasm) ay i-push ko against the wall, dahan-dahan tapos biglang malakas.
Pagkatapos po noon ay haplusan ko raw ng KRYSTALL Herbal Oil, dahan-dahan hanggang uminit at lumambot ang pakiramdam kung nasaan ang muscle spasm.
Simula po noon ay naglagay na kami ng KRYSTALL Herbal Oil sa banyo bilang pang-unang lunas sa mga hindi inaasahang emergencies.
Maraming salamat po Sis Fely dahil laging nariyan ang inyong imbensiyon na malaking tulong sa amin kalusugan.
ROMEO PANALIGAN
CSJDM Bulacan