Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Ferdinand Baiton, 52 years old, taga-Sta. Cruz, Maynila, isa po akong barbero.
Ise-share ko po ang experience ng isa kong regular customer na nabiktima ng nakamamatay na virus na CoVid-19.
Hindi naman po siya naospital, mas pinili niyang sa kanilang bahay mag-isolate, mag-teleconsult, at mag-oxygen. Mahigpit daw ang ginawang pagmo-monitor sa kanya ng kanyang anak kaya sa awa ng Diyos nakaligtas siya sa virus.
Nag-submit pa siya sa post-CoVid-19 lab tests para makasiguro kung ano ang pininsala sa loob ng katawan niya ng virus.
Isang buwan matapos ang kanyang recovery, napuna niyang ang lakas maglagas ng kanyang buhok. At sa kanyang pagbabasa-basa at pagtatanong-tanong, nabatid niyang ang grabeng paglalagas ng buhok ay epekto pa rin ng CoVid-19.
Kaya ang ginawa niya, nagpakalbo na lang siya. Sabi ko sa kanya, bumili siya sa online ng Krystall Herbal Oil at siya niyang imasahe sa kanyang ulo para madaling tumbo ang buhok niya.
Aba, Sis Fely, paglipas ng dalawang linggo bumalik ang customer ko, tuwang-tuwa, hindi na raw naglalagas ang buhok niya at ang bilis pang tumubo.
Sinabi ko sa kanya maraming benepisyo ang Krystall Herbal Oil, kaya palagi siyang mag-stock nito.
Maraming salamat Sis/Ma’m Fely, dahil sa imbensiyon ninyo, marami akong customer na bumabalik dito para magpagupit at magpamasahe gamit ko ang Krystall Herbal Oil.
FERDINAND BAITON
Sta. Cruz, Manila