Friday , November 22 2024

NCMB mediators inasunto sa Ombudsman

042522 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng may-ari ng Orophil Shipping, Inc., isang license manning agency, ang dalawang Maritime Voluntary Arbitrators (MVAs) ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) nitong Biyernes, 22 Abril, sa Office of the Ombudsman dahil sa ‘maanomalyang’ paggawad ng total disability claims sa isang Filipino seaman.

Inasunto ni Orophil president and chief executive officer Tomas Orola ang mga arbitrator na sina Darrow Odsey at Reynaldo Ubaldo ng kasong paglabag sa Sections 4 & 8, Rule VII ng 2021 Revised Procedural Guidelines in the Conduct of Voluntary Arbitration Proceedings.

Ito ay matapos igawad nina Odsey at Ubaldo ang hinihinging total disability sa nasabing agency ni Reynaldo Agravio, 2nd mate seafarer ng international vessel na Momi Arrow, pagmamay-ari ng foreign principals ng Orophil.

Ayon kay Orola, ginamit nina Odsey at Ubaldo ang kanilang posisyon para sa isang ‘di makaturangang desisyon pabor kay Agravio, kapalit ang pagbalewala sa sirkumstansiya kung bakit sinapit ng seaman ang kanyang pinsala (injury).

Binigyang diin ni Orola, hindi sinunod ng dalawang arbitrators ang tamang procedure nang balewalain ang motion for reconsideration at karapatang iapela ang kaso ng nasabing manning agency.

Ang pagsasampa ng kaso ay sinuportahan ng kilalang maritime labor union na United Filipino Seafarers (UFS), at iba pang maritime stakeholders, kabilang ang mga manning agencies na C.F. Sharp Crewmanagement, Cargo Safeway Inc., at maritime groups na Association of Licensed Manning Agencies at Filipino Association for Mariners’ Employment, Inc.

Base sa Republic Act 10076, ang ‘ambulance chasing’ ay ang pag-aalok ng isang abogado o ng isang agent ng pera sa isang seaman para magsampa ng kaso laban sa foreign shipowners at manning agencies.

“Industry insiders assert that for years, corrupt adjudicators and commissioners have been unethically profiting from such claims by skewing decisions in favor of complainants even in the face of unjustified injury and/or damages, and then taking a percentage of the awards in return,” ayon sa complaint affidavit ni Orola.

Sa imbestigasyon ng Orophil, sa pakikipagtulungan na rin ni Agravio, ang huli ay napinsala (injury) dahil sa pakikipag-away at nagpasimuno ng gulo sa kapwa crew ng nasabing barko, dahilan para hindi makatanggap ng work-related compensation dahil tanging aksidente sa oras ng trabaho ang kinikilala ng foreign shipowners para ang empleyado o seafarer ay mabigyan ng karampatang kompensasyon.

Sinabi ng abogado ng Orophil na si Atty. Tristan Turiano, malinaw na pandaraya ang naturang kaso dahil sa ilalim ng terms ng collective bargaining agreement (CBA), maigagawad ang total disability at permanent claims kung ito ay naaksidente habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa barko.

“Clearly, an altercation is not a mishap. In addition, the POEA standard employment contract states that only work-related injuries are compensable,” ayon kay Turiano.

Ayon kay Orola, panahon na para kalusin ang ‘ambulance chasing’ sa bansa. Sinuportahan ito ni UFS president, Engr. Nelson Ramirez at sinabing ang ambulance chasers ay nagsisilbing anay na sumisira sa matibay na pundasyon ng Philippine seafaring industry.

“Para itong mutation ng CoVid-19 na hindi mamatay-matay na bumibiktima sa mga ahensiya at shipowners na nagbibigay ng trabaho at suweldo sa ating mga marinong Filipino,” pahayag ni Ramirez. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …