Saturday , May 28 2022
Edwin Gamas Ramon Mistica

Gamas kampeon  sa Mistica 10-ball championship

ITINALA ni Edwin Gamas ang First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament sa kanyang mahabang talaan ng mga tinamo niyang karangalan nang maghari siya  nitong Linggo sa prestihiyosong torneyo na  sumargo  sa Bowling and Billiards, Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Tinalo  ni Gamas si Bryant Saguiped (8-7), sa semi-final round at Franz de Leon (9-3),  sa finals para angkinin  ang top prize na  P40,000 kasama ang  Maestro Mistica Custom Cues at trophy sa 3-day (Abril 1 – 3, 2022) Games and Amusement Board (GAB) sanctioned tournament na suportado ng Ropa Commercial, LifeWave x39, Wilde Blue Chalk at ni actor Nino Muhlach.

Nagkasya naman si  De Leon  sa  runner-up prize P20,000 at trophy.

Sa semi-finals naungusan   ni Gamas si John Paul Ladao, 8-7, sa Round-of-16, at Albert Espinola, 8-5, sa quarter-final para makapuwersa ng titular showdown kay de Leon na tinibag naman sina John Rell Saguiped, 8-7, at Greg Dira, 8-6,  ayon sa pagkakasunod.

“I would like to dedicate my victory to my family, friends, to the organizer and sponsor of this First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament ,” sabi ni  Gamas.

Ang iba pang prominenteng manlalaro ng bilyar na sumargo  sa First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament ay sina Southeast Asian Games gold medallist Chezka Centeno, Japan Champion Roel Esquilo, Former Germany World Junior of Pool representative  Mark Aristotle Mendoza, Jack de Luna,  Bernie “Benok” Regalario at AJ Manas.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …