Sa Antipolo, Rizal
Delivery rider todas sa punong bumagsak

Delivery Rider Courier Patay rizal nabagsakan puno poste

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang delivery rider na nakasilong sa isang compound sa Barangay San Roque, lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nang mabagsakan ng natumbang puno at poste nitong Linggo, 9 Agosto, sa kasagsagan ng malakas na ulan dala ng Habagat.

Agad na dinala ang rider sa Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex 2 upang malapatan ng atensiyong medikal ngunit idineklarang wala nang buhay kalaunan.

Naganap ang insidente sa Simeon Compound, sa harap ng gasolinahan ng Clean Fuel, sa nabanggit na barangay.

Samantala, pinayohan ang mga motorista na umiwas sa lugar at pansamantalang gumamit ng mga alternatibong ruta habang patuloy ang isinasagawang clearing operations.