SUGATAN ang isang rider matapos mabagsakan ng puno sa Don Quijote St., Sampaloc, Maynila sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin nitong Linggo ng gabi, 9 Agosto.
Nabatid na binabaybay ng rider ang kalye nang bigla siyang mabagsakan ng puno habang minamaneho ang motorsiklo.
Agad siyang dinaluhan ng mga nagrespondeng rescue team at dinala sa malapit na pagamutan upang malapatan ng atensiyong medikal.
Pinawgtulungan ng mga nagrespondeng bombero na putulin ang bumagsak na puno at linisin ang lugar upang muling mabuksan sa trapiko ang apektadong bahagi ng kalsada.
Samantala, nakipag-ugnayan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Department of Engineering and Public Works at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department para sa paghahakot ng debris.
