I-FLEX
ni Jun Nardo
ACHIEVED na ng barangay chairwoman na si Rossa Hwang ang isa sa bucketlists niya – ang story telling.
Eh noong pandemic, nagsulat siya ng libro a cookbooks kasabay ang paggawa ng duties niya bilang barangay captain.
“I call myself an edutainer and my Kapitana Entertainment Media channel is an edutainment channel,” saad ni Ma’am Rossana.
Ang The Women of Tonta Club ang una niyang feature movie. Fun at heartwarming movie ito na tampok sina Nova Villa, Tetchie Agbayani, Tina Paner, at Efren Reyes. May special role sina China Cojuancgo at Small Laude.
Swak sa International Women’s Month ang The Woman of Tonta Club na mapapanood ngayong Biyernes, March 18, sa You Tube channel ng Entertainment Media.
Narito na ang surge ng katatawanan at itigil na ang kanegahan sa panonood ng The Women of Tonta Club kasama ang buong pamilya!