Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez

Regine handang-handa na sa pagpapa-sexy — Watch out for my sexy pictures, walang limitasyon ‘yan!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SEXY na uli si Regine Velasquez kaya naman paulit-ulit niyang sinabi na abangan namin ang sexy projects niya. Nangyari ito sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong Miyerkoles ng gabi kasabay ng 30th anniversary ng Star Magic na binansang Kapamilya Strong 2022.

Wala ngang kagatol-gatol ang Asia’s Songbird nang sabihing suportahan namin siya sa kanyang pagpapa-sexy. Tinuran niya ito noong humarap siya sa kauna-unahang face to face media conference simula nang mag-pandemic na ginanap sa Studio 10  sa ilang entertainment editors.

Ani Regine, “Watch out for my sexy projects ha, good luck na lang sa inyo!” Sabay ng malakas na halakhak. 

Matagal nang sinasabi ni Regine na pangarap niyang maging bold star pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutupad.

Natanong namin ito kung  may limitation ba ang pagpapa-sexy niya, walang kagatol-gatol niyang sinagot na, “Waley! Ha-hahahaha!” 

Kuwento ni Regine sinabi rin pala niya noong una siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN (October, 2018)  kay ABS-CBN President Carlo Katigbak na sana’y matupad ang ultimate dream niyang maging sexy star.

Sa kabilang banda umaasa siyang makakatrabaho niya si Lea Salonga. Tuloy na tuloy din ang concert tour nila ni Sharon Cuneta sa Amerika. 

Sa ngayon co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Regine sa Magandang Buhay bilang  pansamantalang kapalit ni Karla Estrada na sumabak na sa politika.

Ani Regine, nae-enjoy niya ang pagho-host sa Magandang Buhay. In fact para ngang hindi iyon trabaho para sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …