Thursday , December 26 2024
Pasada Babes Don Chad Hernandez

Pasada Babes kasangga ng mga mananakayPahirap sa pagsakay sosolusyonan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang sa mga simpleng jingle naipababatid o naihahatid ng mga politikong tumatakbo sa halalan 2022 maipararating ang kanilang adhikain o plano para sa mga mamamayang Filipino. In na rin ngayon ang mga grupong sumasayaw o kumakanta at gumagawa ng video para mas lalong maunawaan ang gustong maipahatid ng politiko.

Tulad nitong Pasada Babes na inilunsad noong Martes na hindi lamang basta all female group kundi all female commuter dance crew na binuo dahil sa hirap sumakay. Kumbaga, katulong sila ng mga mananakay para maipabatid sa pamahalaan ang mga problema ng mananakay. 

Ang Pasada Babes ang kauna-unahang all female commuter dance crew ng Pilipinas. Pinangungunahan sila ni MC Sah Tey kasama sina Ja, Mary, Shyn, at Kim. Sila ang bumubuo sa Pasada Babes na kumakanta, nagra-rap, at sumasayaw. Katunayan, pinahanga na ng limang member ang netizens nang mag-hit ang kanilang first ever single, ang Papa Pasada sa online song channels.

Kakaiba ang Pasada Babes dahil sila ang kumakatha, kumakanta, agumagawa ng kani-kailang mga dance routines. Nabuo ang grupo nitong nakaraang taon matapos silang mag-usap-usap na kailangang maiparating sa madla ang kinakaharap na pasakit ng mga cummuter sa araw-araw.

Lahat po kami magkakabarkada na performer na nawalan ng gig nang magpandemya. Hirap na hirap kaming makasakay dahil sa kawaln ng masasakyang bus, lalo na ang provincial buses at jeepney.

“Naisipan naming buuin ang Pasada Babes para maiparating sa pamahalaan na dapat namang pakinggan kaming mga cummuter para maibsan ang pahirap na nararanasan namin sa araw-araw,” ani MC Shantey.

Kaya naman nakiisa ang Pasada Babes kay Don Chad Hernandez,  secretary general ng commuter group na Pasada CC para maglunsad ng signature drive upang mas lalong lumakas ang pagpaparating sa gobyerno ng mga hinaing at makipagtulungan sa pamahalaan para sa agarang solusyon.

Nabuo ang Pasada CC noong 2019 upang maisulong ang kapakanan ng mga commuter at transport workers.

Sa pamamagitan ng Pasada Babes, mas mapaiigting namin ang paghikayat sa ating mga kababayan na mag-sign-up sa aming signature driver. Tatlo lamang naman ang aming kahilingan: magtayo ng mga cummuter-friendly infrastructure upang mas lalong guminhawa ang kalagayan gn mga mananakay. Ikalawa, bigyang solusyon ang collorum sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng 60 day moratorium. At ikatlo, magkaroon ng boses ang pribadong sektor sa paggawa ng mga polisiya na makaaapekto sa buhay ng commuter at transport workers,” paliwanag ni Hernandez.

Sinimulan noong February 1 ang Pasada signature driver na mangangalap ng 150,000 signatures sa sektor ng commuters at transport workers sa buong bansa. Kasama ang Pasada Babes, hihikayatin ng grupo na maipaliwanag sa netizens ang kanilang adbokasiya.

Layunin ng Pasada CC na maisumite sa pamahalaan ang mga nakalap na lagda at manipesto sa Mayo uno, 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …