Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Xyril Filomeno Atienza, 39 years old. Isa po akong rider, at naninirahan sa Pasay City. May live-in partner po ako pero hindi pa namin planong mag-anak dahil sa panahon.
Ako po’y masugid ninyong tagapakinig, at naniniwala po ako sa mga sinasabi ninyo. Pero nakita naman ninyo ang panahon ngayon, kapag hindi ka naniwala sa bakuna, parang ang tingin sa iyo alien na dapat alienated.
Kapag hindi ka nagpabakuna, ang tingin sa iyo, ikaw ang nagdala ng virus sa Filipinas. Kaya kapag wala kang bakuna, malaki ang posibilidad na manigas sa gutom ang pamilya kasi hindi ka makalalabas ng bahay.
Pansin ko lang din po, Sis Fely, ang lockdown o alert level 3 ay mahigpit na naipatutupad sa depressed areas. Sa subdivisions o villages kaya ng mga milyonaryo, nakapagpapatupad kaya ng lockdown ang mga awtoridad?
E kung babalikan po ang history, sino ba ang unang nagpakalat ng virus sa ating bansa? Hindi po ba ‘yung mga sumasakay ng eroplano?!
Hay naku, hanggang sa pandemya, pobre lang ang kawawa.
Anyway, kaya po para hindi mangyari sa amin ang ganyang mga karanasan, mahigpit ko pong binabantayan ang aking sarili at ang aking pamilya. Tumutulong po ako sa pagpapalakas ng immune system mula sa pagkain hanggang sa supplements at isa po sa tine-take namin ang Krystall Nature Herbs, Vit. B1B6, Yellow tablets kapag nakararamdam ng ubo’t sipon, at ang Krystall Herbal Oil na nakatutulong para sa pagre-relax para matanggal ang stress sa isip at katawan.
Sabi nga, stress ang kakampi ng virus kaya hindi dapat magpadaig.
Maraming salamat po Sis Fely Guy Ong, dahil sa inyong mahuhusay na imbensiyon ay napapanatili naming ligtas at malakas ang aming katawan.
Keep safe po and God bless.
XYRIL FILOMENO ATIENZA
Pasay City