Monday , April 7 2025
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

Donny, proud kay Belle sa success ng concert

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PROUD na proud si Donny Pangilinan sa ka-love team niyang si Belle Mariano dahil sa big success ng first-ever solo concert nito na Daylight na napanood virtually via KTX.ph noong January 29.

Si Donny ang special guest ni Belle sa concert. First time tumugtog ng keyboard sa isang live event si Donny nang kantahin nila ni Belle ang For Your Eyes Only, na theme song ng pelikula nilang Love is Color Blind.

It really means so much na nandito ka,” sabi ni Belle kay Donny pagkatapos ng duet nila.

Ano ka ba? Para sa’yo,” sagot ni Donny. “Actually, I never played the keyboard in an event, live, before. The fact na ‘For Your Eyes Only’ na theme song pa ng first-ever movie natin, it’s such an honor to be here sa concert ni Belle Mariano.”

Sumunod ay inihayag na ni Donny kung gaano siya ka-proud kay Belle hindi lang sa success ng concert kundi pati sa pamamayagpag ng career nito.

Sobrang proud ako sa’yo. Every time I watch your numbers, hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw ito, na ikaw ang gumagawa ng sarili mong concert. I know how long you’ve dreamt of having this opportunity. Just to see you fulfill your dreams right here, it’s just so cool,” ani Donny.

Bukod sa pagiging top trending topic sa Twitter ng BELLErightest DaylightConcert, nag-trending din ang DonBelle.

About Glen Sibonga

Check Also

TRABAHO partylist Melai Cantiveros-Francisco

TRABAHO buong-pusong bumabati kay Melai sa kanyang kaarawan

NGAYONG 6 Abril, binati ng TRABAHO partylist si Melai Cantiveros-Francisco na siyang tumatayong kampeon ng …

Lani Cayetano Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

DUMALO ang mahigit 15,000 indibiduwal, mayorya rito ay mga kabataan sa unang araw ng taunang …

Kazel Kinouchi Fatherland

Kazel Kinouchi,  ‘nabinyagan’ ni Direk Joel Lamangan sa pelikulang Fatherland

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang showbiz career ni Kazel Kinouchi sa Pinoy Big Brother at …

Archie Alemania Rita Daniela

Archie makakalaya kapag nakapagpiyansa  

I-FLEXni Jun Nardo BAILABLE ang kaso ni Archie Alemania na acts of lasciviousness kaya malaya pa rin …

Mikee Quintos Paul Salas

 Relasyong Mikee at Paul mabilis tinapos

I-FLEXni Jun Nardo ANO kaya ang mangyayari sa pelikula nina Mikee Quintos at Paul Salas ngayong hiwalay na sila? Sweet …