Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Bakuna, hindi selda

PROMDI
ni Fernan Angeles

HINDI na bago sa mata ng masa ang pagiging brusko ng Pangulo. Katunayan, ‘di nga ikinagulat ng madla ang inilabas niyang direktibang pagdakip ng mga taong hindi pa bakunado kontra CoVid-19 sa mahigit 42,000 barangay units sa buong bansa.

Ang siste, mistulang kriminal ang turing ng Pangulo sa mga ‘di pa bakunado. Kasi naman ang atas niya’y hanapin at dakpin ang mga susuway sa kanyang direktibang walang sinasandigang batas man lamang. Walang batas ang nagtatakda ng mandatory vaccination. ‘Yan ang klaro.

Totoong kailangan natin ang proteksiyon laban sa nakamamatay na sakit na dala ng mga kaibigan niyang tsekwa. Pero sa totoo lang, hindi kailanman lunas ang selda sa bantang peligro ng pandemya.

Sa halip na dakpin, bakit kaya hindi na lang ibahay-bahay ang pagbabakuna? ‘Yan na marahil ang pinakamabisang paraan para mahagip ang asam na proteksiyong kalakip ng mga bakunang ginastusan nang husto ng pamahalaan.

Kung tutuusin, ang pagdedeklara ng alert level 3 sa malaking bahagi ng bansa ang pinakamagandang pagkakataon para magbahay-bahay.

Kung kaya nilang susugin ang kasuluk-sulukan ng mga liblib na komunidad sa tuwing sila’y nanlilimos ng boto, bakit hindi nila gawin ngayon? Isipin na lang nilang praktis sa nalalapit na pag-iikot para mangampanya.

May mga kaibigan rin naman ako sa barangay at PNP, at kung pagbabatayan ang palitan namin ng kuro-kuro, napagtanto kong maging sila’y bantulot sa direktiba ng Pangulo.

Bakit nga naman hindi? Ilalagay na naman sila sa alanganin, pararatangan ng pagiging abusado o di naman kaya’y sampahan ng asunto.

O di naman kaya, puwersahin ang Kongreso para bumalangkas at magpasa ng batas para sa mandatory vaccination? Bagamat abala na marahil ang mga mambabatas sa kani-kanilang pamumulitika, puwede naman sigurong obligahin ng Pangulo ang Kongresong pinamamahayan ng kanyang mga tuta’t kaalyado.

Kasabay nito, dapat din tugunan ng pamahalaan ang suliraning kinakaharap ng healthcare services ng bansa. Kulang na ang mga pasilidad, kapos pa ang mga healthcare workers na kakalinga sa mga patuloy na pagdami ng mga pasyente.

Ang masaklap, hindi na sapat ang mga pampublikong ospital.

Bakit kamo? Marami na sa hanay ng mga may-ari at nangangasiwa ng mga pribadong pagamutan ang nagdadalawang isip tumanggap ng pasyenteng miyembro ng PhilHealth. Kasi naman, hanggang ngayon ‘di pa nga naman sila binabayaran ng PhilHealth.

Ang kawawa, yaong mga ordinaryong manggagawang puwersahang kinakaltasan ng buwanang kontribusyong hindi rin naman pala nila magagamit para isalba ang sarili at pamilya sa panahong higit na kailangan.

Bukas ang PROMDI para sa mga reklamo, sumbong o pagtutuwid, maaaring makipag-ugnayan sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fernan Angeles

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …