Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes John Arcilla

Dingdong at John nakabibilib ang galing sa A Hard Day

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS mahusay, mas maganda, at mas magaling sina Dingdong Dantes at John Arcilla sa Philippine adaptation ng 2014 South Korean Crime Action film na A Hard Day na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival ng Viva Films.

Pinagbidahan naman nina Lee Sun-Kyun at Cho Jin-woong ang South Korean film.

Mas maganda rin ang pagkakadirehe ni Lawrence Fajardo kompara kay Kim Seong-Hun.

Actually, parehong-pareho at walang binago ang pagkakalahad ng Philippine adaptation kaya hindi maiwasang maikompara.

Mas nagustuhan namin ang Philippine adaptation dahil ibang klase ang husay na ipinakita nina Dingdong at John sa kanilang pag-arte. Talagang pang-best actor at best supporting actor.

Kaya posibleng magkamit din sila (ng awards) tulad ng Korean version na maraming nakuhang award mula sa iba’t ibang award-giving bodies kabilang na ang Baeksang Arts Awards na itinanghal na Best Actor at Best Director.

Naawa lang kami kay Dingdong na bugbog sarado bilang detective na nakasagasa ng hindi niya alam na wanted kaya naman para maitago ang krimeng ginawa, isinama sa kabaong ng ina ang lalaki.

Nabwisit naman kami kay John na talaga namang napakahusay bilang kalaban ni Dingdong na nakasaksi sa krimen nito kaya binlack-mail ang aktor.

Humanga kami sa maraming shots ni Direk Lawrence. Maraming tagpo ang nakagugulat tulad ng blasting at iyong paghulog ng malaking container.

Isa itong magandang pelikula ni Direk Lawrence na karapat-dapat pag-aksayahang panoorin handog ng Viva Films ngayong 2021 Metro Manila Film Festival.

Bukod kina Dingdong at John, kasama rin sina Janno Gibbs, Meg Imperial, Al Tantay, Lou Veloso, Rafael Siguion Reyna at marami pang iba. Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Dingdong ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette. 

“Now more than ever, ito ’yung panahon na kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating mga kababayan,” aniya sa isinagawang red carpet premiere ng A Hard Day sa SM Megamall noong Miyerkoles ng gabi.

Sumuporta kay Dingdong sa premiere night ang mga kasama niya sa pelikulang sina Janno at Meg. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …