Thursday , February 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban, Antoinette Jadaone, The Kangks Show

Angelica perfect na Dr Kara Teo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pala itutuloy ni Direk Antoinette Jadaone ang mini-series na The Kangks Show sa WeTV kung hindi ito tinanggap  ni Angelica Panganiban.

Katwiran ng direktor, si Angelica lang ang naiisip niyang perfect na makagaganap bilang Doctora Kara Teo na isang sex expert na nagbabasa ng mga sulat ukol sa experience at problema nila sa sex sa isang show.

“Si Angge lang talaga ang naisip ko habang kino-conceptualize ito. ‘Pag ‘di niya tinanggap, wala na ‘yung show, change concept na kami,” giit ni Direk Tonette sa isinagawang zoom media conference.

At nang finally ay pumayag na si Angelica noon lamang sila nag-casting ng makakasama pa ng aktres.

Ang The Kangks Show din ang reunion project ng aktres at ng direktor na naunang magkatrabaho sa Beauty In A Bottle (2014) at That Thing Called Tadhana (2015).

Thankful din si Direk Tonette na pumayag sina JC De Vera, Angeli Bayani, Maris Racal, at Kit Thompson na lumabas sa naturang mini series.

Hindi naman ng-aalala si direk Tonette sa negatibong epekto ng kanyang show.

Aniya, ”Matagal nang dapat pinag-uusapan ang sex na hindi bulungan at hindi kailangang I-bleep sa pelikula o TV.”

Ang The Kangks Show ay may eight episodes na mapapanood simula sa araw na ito, December 17, 8:00 p.m. sa WeTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jun Lana Hilda Koronel Eugene Domingo Jennica Garcia

Jennica natupad maidirehe ni Jun Lana

HARD TALKni Pilar Mateo MATAPOS ANG ilang pelikula at ilang soap, dumaan na rin pala …

Coco Martin Marian Rivera Andres Muhlach Kai Montinola PAFTA

Unang PAFTA dinaluhan ng mga sikat na artista

MATABILni John Fontanilla STAR-STUDDED  ang katatapos na 1st Philippine Arts, Film & Television Awards  (PAFTA) na ginanap …

Rochelle Pangilinan Alvin Aragon

Rochelle hinangaan ng netizens sa ‘di pagpatol sa patutsada ni  Alvin Aragon 

MATABILni John Fontanilla HINANGAAN ng netizens ang pagiging tahimik at ‘di pagpatol ni Sexbomb Rochelle Pangilinan sa …

People Power 40 Kick-Off Concert

People Power 40 Kick-Off Concert dinagsa ng mahigit 20,000 katao

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez UMAABOT sa mahigit 20,000 katao ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle …

Dingdong Dantes Iza Calzado

Aktor’s Dingdong Dantes at Iza Calzado itatalaga mga bagong opisyal ng SPEEd
Seremonya sa Bayanihan Center, mamarkahan ika-10 taon ng grupo ng mga patnugot, pararangalan mga pangunahing partner sa industriya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG makasaysayang kabanata para sa grupo ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) …