Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja makababalik pa rin sa ABS-CBN (Ambassador na rin ng Beautederm)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NILINAW ni Maja Salvador na makababalik pa rin siya sa ABS-CBN dahil in good terms siya sa mga boss ng Kapamilya Network. At the same time grateful siya, thankful and blessed kung nasaan man siya ngayon o shows na ginagawa niya dahil parte iyon ng pagiging Kapamilya artist niya.

Sinabi rin ni Maja na nagpaalam naman siya nang maayos noon na habang wala pang offer sa kanya ay puwede siyang tumanggap ng trabaho mula sa ibang network.

Ang paglilinaw ay naganap sa paglulunsad sa kanya bilang brand ambassador ng Reiko and Kenzen Beautederm Health Boosters kasabay ng ika-12 anibersaryo nito at kaarawan ng Presidente at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Ang Reiko at Kenzen ay masusing pinormula para tulungan ang bawat tao na magkaroon ng balanse at malusog na pamumuhay sapagkat kinabibilangan ito ng pitong FDA-notified and all-natural health supplements  tulad ng Kenzen Bacopa Monniera + Centella Asiatica (Memory Booster) MeMax, na mayroong Phosphatidylserine, Bacopa Monniera, Centella Asiatica, at Lutein gayundin ng Silicone Dioxide Starch, Stearic Acid, at Calcium—na kilala sa kakayanan nitong mag-boost ng brain function, mag-enhance ng memory function at mag-prevent ng memory loss; Kenzen BioDopa + Rosemary (Energy Booster) VivaGen, na mayroong Mucuna Pruriens extracts, Rosemary, at Maca and Guarana extracts—na tumutulong sa pagpapababa ng stress at sa pag-maintain ng physical at psychological vitality;  Kenzen Vitamin C + Zinc (Immunity Booster) Z Plus—na mayroong Vitamin C o ascorbic acid at pati Zinc na mahalaga sa growth, development at repair ng lahat ng mga body tissue; Reiko Valeriana Officinalis + L-theanine (Sleep Enhancer) SomNest, Valeriana Officinalis extracts, 98% L-theanine, at GABA (Gamma Aminobutyric Acid) na lahat ay mainam para sa insomnia; Reiko Vitamin D + Grape Seed (Sun Protection Enhancer)  PrestoSol, na mayroong Vitamin D, Grapeseed extracts, Amla extracts, at Rosemary extracts; Reiko Coffee Bean + Salacaia (Diet Enhancer)  Slimaxine mayroong Coffee Bean extracts, Salacia extracts, at Ginger extracts; at Reiko Andrographis + Ginger (Digestion Enchancer) Fitox, na mayroong Andrographis at Ginger Plus  Curcumin na nagpipigil sa mga flu viruses na kumapit sa cells ng katawan at isa ring natural appetite suppressant habang kinokontrol ang sugar levels respectively. Ang lahat ng ito ay naglalayong palakasin ang overall wellbeing ng bawat tao lalo na ngayon na ang maayos na pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng isang holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Ani Tan, isang taon ang ginugol nila kasama ang kanyang team para sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang masiguro ang holistic health na mahalaga para mabuhay at magtagumpay lalo na ngayon na kailangan ang malusog na katawan at pag-iisip upang malagpasan ng lahat ang global health crisis. 

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm  Health Boosters,” ani Maja na kilala rin bilang isang serious health buff na makikita sa anyang aktibong pamumuhay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …