Wednesday , November 12 2025
Josito Jojo Clamor Dondon, Arena International Maste
Josito Jojo Clamor Dondon, Arena International Maste

Dondon unang Arena International Master mula Bantayan Island

NAIUKIT  na ni United States-based Cebuano chess player Engr. Josito “Jojo” Clamor Dondon ang kanyang pangalan bilang kauna-unahang Arena International Master ng World Chess Federation (FIDE) mula Bantayan Island sa northern Cebu.

Si Dondon tubong munisipalidad  ng Madridejos kung saan mga mga natives ay kilala sa tawag na Lawisanons ay opisyal ng nakamit ang AIM title matapos mabuwag ang 1900 barrier Sabado ng gabi.

Nito lamang nakaraang buwan ay si Dondon na miyembro ng United States Chess Federation (USCF) ay unang nakopo ang Arena Fide Master matapos matanggap ang kanyang e-certificate duly signed ni FIDE President Arkady Dvorkovich ng Russia.

Bago ang pakikipagsapalaran sa Estados Unidos dalawang dekada na ang lumipas, si Dondon ay isa sa bigating player ng Cebu na maraming beses na ding nagkampeon.

Siya ay top board player ng Cebu Institute of Technology (now CIT-U) ng kanyang college days kung saan si Dondon ay dalawang beses na nagkampeon sa Far East Bank and Trust Company (FEBTC) champion sa Central Visayas at Northern Mindanao noong 1997 at 1993, ayon sa pagkakasunod.

Noong 1997 ay tumapos siya ng first runner-up sa Mandaue Chess Open kung saan ay tatlong three masters ang kanyang tinalo—sina  NM Richard Bitoon (now a GM), IM Yves Ranola, at NM Carlito Lavega.

Pinangunahan din ni Dondon ang PAGCOR Cebu na empleyado siya ng nasabing kumpanya kung saan ay nagtala siya ng seven straight champion­ships sa Government Corporation Athletic Association (GCAA) at sa Association of Regional and National Executives (ARENA) chess tilts mula 1995 at 2001.

Sa katunayan sa panahon ng pandemic nitong nakaraang taon ay si Dondon ay tumulong sa CEPCA para maging buhay ang Cebu chess sa pagsuporta sa club’s weekly online tournaments.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …