Saturday , November 16 2024
Coconut

Coconut farmers, biktima ng red-tagging

HINDI nakaligtas sa red-tagging ng militar ang mga magniniyog habang umaarangkada ang pagpaparehistro para sa P113-bilyong halaga ng programa para sa kanila mula sa coco levy fund alinsunod sa Republic Act No. 11524, o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Kahit katuwang ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang Bantay Coco Levy Alliance sa pagpaparehistro ng coconut farmers sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS), nakatanggap sila ng ulat na ilan sa magniniyog mula sa Eastern Samar, Sorsogon, Tacloban, at Quezon ang nakaranas ng red-tagging mula sa militar.

Ayon kay Danny Carranza, co-convenor ng Bantay Coco Levy Alliance, kabilang sa insidente ng red-tagging na hinarap ng kanilang hanay ay kakausapin sila, biglang pupuntahan minsan ng hindi unipormadong militar sa bahay para imbitahan sa kampo, hindi papayagan ang pagdaraos ng pulong kahit ito’y para sa kanilang pagpaparehistro alinsunod sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS).

Tinatayang may 2.5 milyong coconut farmers ang kailangan magparehistro sa NCFRS, batay sa datos ng PCA, upang makinabang sa mga programa ng pamahalaan para sa mga magniniyog.

“Ang legitimacy ay consistent na pag-engage kung ano ang dinadala mong isyu kaya hindi naman kami nagpapapigil kaya malinaw naman sa amin kung ano ang aming hinahangad at ginagawa. At the same time, ine-engage namin para mawala ‘yung ganoong klaseng labeling kasi risky talaga,” ani Carranza sa panayam ng HATAW.

Upang manindigan na lehitimo ang isyu at legal ang kanilang mga aktibidad, tumatalima na lamang aniya ang mga magniniyog sa paanyaya ng militar sa kampo.

“Ini-invite ka kasi sa kampo nila dahil wala ka naman kinatatakutan bagamat ‘yang invitation na ‘yan ay puwede natin tingnan na hindi kailangan puntahan pero para lang ma-establish mo ang legitimacy mo para maipakita na walang itinatago at kinatatakutan, pinupuntahan na lang,” ani Carranza.

Ang pinakamahalaga aniya ay magpalakas ang kilusan ng mga magniniyog upang matiyak na ang coco levy fund ay mapakinabangan dahil ito lang ang paraan upang manumbalik ang hustisya para sa coconut farmers.

“Ang pinaka-challenge sa coconut farmers ay paano magpapalakas para ‘yung level ng transparency, participation, and accountability ay matiyak natin na mataas.”

Umaasa ang kanilang grupo na magkakaroon ng joint resolution ang Kamara at Senado na magtatakda ng pagpapalawig ng registration ng coconut farmers sa NCFRS hanggang Oktubre mula sa orihinal na 11 Hunyo 2021 na nakasaad sa batas.

Susunod na tutukan aniya ng kanilang grupo ang mainit na isyu ng privatization ng assets ng coco levy fund kabilang rito ang panukalang pagsanib ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa Landbank.

UCPB PART , BALAK I-MERGE

“Maraming non-cash asset kaya umabot sa P113-B ang coco levy fund, at ang isang asset ay ‘yung UCPB na 79% stock shares ay galing sa coco levy fund, kaya ito ay banko ng mga magniniyog. Kapag na-liquidate, i-assume natin na  baka hindi i-liquidate kasi minerge na sa Landbank, ang isyu na naman diyan ay paano babantayan ‘yan. Later ba i-engage namin ang gobyerno kaugnay diyan,” dagdag ni Carranza.

Batay sa RA 11524 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 26 Pebrero 2021, magbabalangkas ang PCA ng Coconut Farmers and Industry Development Plan na magtatakda ng direksiyon at patakaran para sa pagpapaunlad at rehabilitasyon ng coconut industry sa loob ng 50 taon.

Inatasan sa batas ang Bureau of Treasury na ilipat ang P10 bilyon sa trust fund sa unang taon, P10 bilyon sa ikalawang taon, P15 bilyon sa ikatlong taon , P15 bilyon sa ikaapat na taon at 25 bilyon sa ikalimang taon.

Magsisilbing pinuno ng fund management committee ang Department of Finance at ang kanyang mga kasama ay ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Justice (DOJ)

Habang ang mga magpapatupad ng programa para sa mga magniniyog ay TESDA, Commission on Higher Education (CHED), Department of Health, Cooperative Development Authority (CDA) at iba pa.

“May ganoon silang pag-iisip, ilagay na sa iba’t ibang ahensiya  na involved para matiyak na ‘yung pondo ay naka-allocate nang maayos. May ganoong pag-iisip, meaning kahit hindi pa kinokunsulta ang mga magniniyog, alam na nila kung ano ang paggagamitan, at least ‘yung mga bumuo ng batas,” wika ni Carranza.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *