Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Factory worker nag-iingat laban sa CoVid-19 kaagapay ang Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Good morning po. Nawa’y datnan kayo ng message kong ito na nasa mabuting kalagayan sa blessings ni Yahweh El Shaddai.

Ako po si Angelita delos Reyes, 38 years old, factory worker, sa Canumay, Valenzuela City.

Hindi po mabuti ang kalagayang pangkabuhayan namin ngayon dahil nagsara ang pabrikang pinapasukan ko.

Para po kumita, nagtinda po ako ng lutong ulam at inilalako ko sa mga kaibigan at kakilala. Pero karamihan po sa kanila ay nawalan din ng trabaho at pumasok na rin sa pagtitinda kaya mas madalas nagba-barter na lang kami ng mga paninda namin.

Hanggang sa kalalakad ko po, ako po ay nagkasakit dahil sobrang init. Nitong huli nga ay inabutan pa ako ng malakas na ulan. Nilagnat po ako at inubo. Natakot ako, akala ko na-CoVid na ako. Nag-isolate po ako, mabuti na lang may maliit kaming kuwarto.

Habang naka-isolate po ako, nagsuob na ako at pagkatapos magsuob, maghahaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa likod, sa ulo, sa mga braso at binti, sa tiyan at sa batok. Kasunod no’n ay iinom na ako ng mainit na Krystall Nature Herbs. Uminom na rin po ako ng B1B6 at ng Yellow Tablet.

After 5 days po ay nagpa-swab test ako. At laking pasasalamat ko, dahil negative po ako sa CoVid-19. Pero pinayohan po ako ng doktor na mag-quarantine na rin ng 14 days para sigurado.

Ipinagpapatuloy ko po ngayon ang suob at ang patuloy na paggamit ng Krystall herbal products para makatulong sa aking tuluyang pagpapagaling.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely Guy Ong. Stay safe po and God bless.

 

Ang inyong tagasubaybay,

                ANGELITA DELOS REYES

Valenzuela City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …