Saturday , February 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cris nang magka-Covid — Akala ko mawawala na ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FEELING ko mawawala na ako. Gusto ko nang magbilin.” Ito ang inihayag ni Cris Villanueva sa digital press conference para sa bagong episodes ng Maalala Mo Kaya (MMK) para sa buwan ng Hunyo nang ihayag nitong nagkaroon siya ng Covid-19 gayundin ang buo niyang pamilya.

Sa kuwento ni Cris, March 20 noong mag-umpisa ang Covid niya.

“Nahirapan akong huminga. Bumabagsak ang oxygen. Mataas na mataas na lagnat, 39.5°C, 39.7°C na fever na straight five days and chills. Tapos sobrang weak, hindi makakain.

“Hindi makainom ng tubig kasi palaging busog. ‘Yun pala puno ng water ‘yung lungs ko that’s why I couldn’t even eat, I couldn’t drink because isang drink ng tubig busog na busog na ako. I thought I was okay until ‘yun nga tumataas na ‘yung fever ko and ‘yung chills, nanghihina. I lost a lot of weight like sobrang pumayat ak,” ani Cris na nakaramdam din ng kawalan ng pag-asa na matatalo ang Covid.

Hindi itinanggi ni Cris na talagang nawalan na siya ng pag-asa. “Feeling ko talaga mawawala na ako. Gusto ko na magbilin.

“Pero you see a lot of people were praying for me. A lot of my friends were, a lot of my family members were. Isa lang ang magandang nangyari noon since lahat kami mayroong COVID, buong family, hindi kami naka-isolate sa isa’t isa, so we are free to see each other.

“We eat sabay-sabay. Nagkikita-kita kami sa labas kapag nagpapa-araw kami. We were not isolated, ‘yun lang ang maganda roon. Pero you see ang hirap. Masakit ‘yung symptoms niya,” positibong sabi pa ni Cris.

Hindi nagpa-confine sa ospital si Cris o iba pang miyembro ng kanyang pamilya, dahil katwiran ng actor, ”We had seven doctors looking after us and they were always calling.

Marami silang pinagagawa sa amin at naka-monitor talaga kami. Isa sa pinagagawa sa amin ‘yung pagdapa para magkaroon ng pressure ‘yung lungs.”

Sinabi ni Cris na nakakakain siya kapag pinadadapa.

Sa tulong ng maraming dasal at lakas ng pananampalataya, gumaling si Cris at ang buo niyang pamilya.

Sa kabilang banda, isa si Cris sa magbibida sa two-part episode ng  MMK’s Finding Papa kasama sina Maris Racal. Ito ay Father’s Day episode ng MMK na mapapanood sa June 12 at June 19, 9:00 p.m..

Bago ito, tampok sina Kim Molina at Pepe Herrera bilang lovers na mapapanood sa June 5. Tampok naman sina Jaya at Awra sa isang lesbian mother at transgender teenager story.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na …

Rod Navarro Jr Coco Martin

Coco nagpasalamat kapwa artistang nagtatanggol sa kanya

MA at PAni Rommel Placente KINUHA namin ang reaksiyon ni Coco Martin tungkol sa mga kasamahan niya …

Ashtine Olviga

Ashtine patutunayan versatile at powerful performer, bibida sa pinakabagong Viva anthology series

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKA-SUWERTE ni Ashtine Olviga dahil agad siyang pinagkatiwalaan ng Viva para magbida sa isang anthology …

Dingdong Dantes Iza Calzado SPEEd

AKTOR, Dingdong naghayag ng suporta sa SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na nairaos ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng Society …

Derek Ramsay

Derek nawala pagiging hunk at papable

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang nakapansin na parang nahulog ang katawan ni Derek Ramsay. …