SHOWBIG
ni Vir Gonzales
MUKHANG malapit na ngang tuldukan ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil wala ng mapupuntahan si Coco Martin para magtago.
Halata ring pagod na ang mga kasamahan sa pagtatago at patakbo. Tila kasi walang katapusan ang kanilang pagtatago.
Mapapansin ding may mga eksenang tipong for adults only. Ito ‘yung eksena ni Rowell Santiago at tennis player from Angeles City, Maika Rivera na may kakaibang love making.
Imagine, bago magromansa ang dalawa gusto pa ni Rowell na itali ang mga kamay ni Maika at saka hahalikan.
Wow! presidente ang role ni Rowell tapos may ganito pang uri ng romansa?!
Naku ayaw ng mga nanay ng ganyang eksena lalo’t mga bata ang nanonood.