Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako si Warren Isagani, 43 years old, isang delivery rider, taga-Pandacan, Maynila.
Bago po mag-lockdown dahil sa pandemic na dulot ng CoVid-19, ako po ay may maliit na negosyong kainan — tapsilog po.
Nagtataka po ako bakit lockdown sa maliliit na community ang sagot sa CoVid-19? Bakit hindi lockdown sa airports at iba pang ports, at huwag munang magpapasok ng mga dayuhan?
Dahil din po sa lockdown, unti-unti kaming nalugi hanggang isinara na lang namin ang tapsilogan. Naibenta na rin namin ang iba pang gamit.
Buti na lang at may motorsiklo pa ako kaya nag-apply akong delivery rider. Ngayon po ay unti-unti namang nakababangon pero hindi na gaya nang dati.
Sa araw-araw na paglabas ko po ay proteksiyon ko ang Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, at Krystall Vit B1B6.
Bago po ako umalis, iinom na ako ng vitamins at nagbabaon ng maraming tubig. May baon din po akong Krystall Herbal Oil, dahil malaking tulong po ito kapag sumasakit ang aking ulo o nagkakagalos ako sa pagmo-motor.
Ang Krystall Nature Herbs naman ay iniinom ko kapag tapos na akong mag-wash ng aking katawan at nagsuob ng mainit na tubig na may asin. Araw-araw po ganyan ang ginagawa ko kapag galing ako sa labas.
Ganyan din po ang ginagawa ng buong pamilya. Kahit ‘yung mga hindi lumalabas. Wash bago matulog, suob ng mainit na tubig na may asin at inom ng mainit na Krystall Nature Herbs.
Sa awa po ng Diyos, hindi kami tinatamaan ng CoVid-19. Patuloy po akong nagdarasal, na sana’y lagi kaming ligtas laban sa virus.
Maraming salamat po Sis Fely, dahil malaking tulong ang inyong mga imbensiyon ngayong panahon ng pandemya.
God bless po.
WARREN ISAGANI
Pandacan, Maynila
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong