Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Pimples sa mukha at likod pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Tawagin na lang po ninyo akong Renato Budol, 49 anyos, residente sa Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila.

Nais ko lang pong ipatotoo ang pimples o acne na mula noong 18-anyos ako ay kumulapol na sa pagmumukha ko.

Matindi ang ibinigay nitong karanasan sa akin. Walang gustong makipagkaibigan sa akin at ang masakit ang babaeng gusto kong makasama sa buhay ay ayaw sa akin at ilang beses akong binasted.

Suklam na suklam ako sa mga ‘acne’ sa pagmumukha ko Sis Fely. Pakiramdam ko kasi, suklam na suklam sa akin ang mga babae dahil parang ako’y acne na tinubuan ng mga mata, ilong at bibig.

Nakapag-asawa naman ako, pero parang napilitan lang dahil kumikita ako nang malaki sa paraket-raket ko sa mga politiko.

Noong nagkakapera na ako, lahat ng klase ng pagppaakinis ng mukha ay binili ko, pero wala ring nangyari.

Minsan, pagkagaling ko sa isang bar sa Pasay City, lumapit sa akin ang matandang lalaki, inialok sa akin ang Krystall Herbal Oil. Binili daw niya iyon para ipanghaplos sa masasakit na kasu-kasuan pero wala na raw silang pangkain kaya ibinebenta niya sa akin.

Sabi ko ‘wag mo nang ibenta ‘yan bibigyan na lang kita ng P500.

Tuwang-tuwa siya at nagpasalamat pero ipinilit niyang tanggapin ko ang Krystall Herbal Oil. Sabi niya, maghilamos daw ako sa umaga pagkagising. Patuyuin ang mukha saka kumuha ng bulak, lagyan ng Krystall Herbal Oil saka idampi sa malalaking acne. Medyo tagalan ko raw, mga isang minuto bawat dampi para ma-absorb daw ang bisa ng herbal oil.

Ganoon din ang ipinagagawa niya sa akin sa gabi bago matulog.

Paglipas ng dalawang araw, napansin ko natuyo na ang mga acne at kapag nagdadampi ako ng bulak sumasama ang mga tumigas na kulay dilaw na laman ng acne. Hinayaan ko lang pong lumabas ang dilaw na laman, parang natuyong nana, hindi ko pinilit para huwag magsugat ang aking mukha.

Isang buwan pa at napansin ko, parang medyo umimpis ang mga namamagang acne. Kaya itinuloy-tuloy ko ang ritwal ng paghihilamos sa umaga at sa gabi.

Sa ngayon po ay talagang nakita ko na ang hilatsa ng aking mukha. Hindi naman po talaga ako guwapo pero ‘di hamak na mas mainam ngayon kaysa noon.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely, dahil sa inyong imbensiyon ay nagkaroon ako ng tiwala sa sarili.

Lubios na sumasainyo,
RENATO BUDOL
Sta. Cruz, Maynila

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …