Saturday , November 16 2024

Digong maangas vs US, bahag-buntot sa China (Pabago-bago ng isip sa foreign policy)

HATAW News Team

POSTORANG galit sa Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw makaraang aminin na hindi niya kayang batikusin ang panga­ngamkam ng China sa mga teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, ginagawang military base ng US ang Subic, iniimbakan ng mga armas at planong gawing outpost ang bansa.

“Do you know that there are so many depots… maraming mga armas dito na nakalagay sa Filipinas ang Amerika. And do you know that they are slowly converting Subic into an American base? These are the things that are known to us because I have the reports and I have also the assessments given to me by the Armed Forces of the Philippines,” aniya.

Alinsunod sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Amerika na nilagdaan noong 2014, nagkaroon muli ng oportunidad ang US na magtalaga ng malaking puwersa sa Filipinas at pinahintulutan silang gamitin ang mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The theater of war, if ever it starts, is in (South) China Sea. We insist on being Americans, we should be provided with the arms and armaments that’s capable of at least – that would place us on equal footing with the other countries at war with us because China would really target us. But Americans are not giving anything,” anang Pangulo.

Ang pagsisiwalat ng Pangulo sa presensiya militar ng US sa bansa ay matapos pintasan ang kanyang ‘pangingikil’ sa Amerika para ipagpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Binatikos niya sina Vice President Leni Robredo at Sen. Panfilo Lacson sa pagtawag na extortion ang kanyang paniningil sa US para sa VFA at tanging ang Pangulo lamang aniya ang arkitekto ng foreign policy ng bansa.

Buwelta ni Lacson, nakasaad sa Saligang Batas na may kapangyarihan ang mga mambabatas na mak­ialam sa usapin ng international agreement.

PABAGO-BAGO
NG ISIP SA FOREIGN
POLICY

Napuna ng ilang political observer ang pag-iiba ng tono ng Pangulo sa Amerika samantala noong No­byem­bre 2017 ay ipinagmalaki ni Duterte na alas ng Filipinas ang Palawan kontra sa lumalakas na presen­siyang militar ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).

Ipinagyabang ng Pangulo, hindi kayang palubugin ng China ang isang isla ngunit ang Filipinas ay may kapabilidad na pasabugin ang mga estrukturang militar o mga sasakyan.

Batay sa EDCA, puwedeng gamitin ng  Amerika ang Antonio Bautista air base sa kanlurang bahagi ng Palawan malapit sa WPS.

Pero wala pang tatlong buwan sa Palasyo noong 2016 ay naglunsad si Duterte ng diplomatic offensive at sinabing hindi muna igigiit ng Filipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-mile exclusive economic zone ang mga inaangking teritoryo ng Beijing sa South China Sea upang makasungkit ng diplomatic at economic concession mula sa China.

Iginiit niyang didis­tansiya sa US, ipinatigil ang paglahok ng Filipinas sa US Navy sa pagpa­patrolya sa South China Sea upang hindi mainis ang China.

Sinabi rin niya, gusto niyang palayasin sa Mindanao ang US Special Forces na sumusuporta sa counter-terrorism operations ng AFP.

At noong nakaraang taon, nagbanta na ibabasura ang VFA dahil hindi binigyan ng US visa si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa masamang human rights record habang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Nagbago ang ihip ng hangin sa Pangulo at noong Nobyembre’y nag­pasya na hindi na ituloy ang pagkansela sa VFA.

Noong nakaraang linggo, muling inamin ni Duterte na hindi niyang kayang magsalita laban sa China dahil umiiwas siya sa komprontasyon.

“The reason why I am so… I’m walking on a tightrope actually. I cannot afford to be brave in the mouth against China because we are avoiding any confrontation, a confrontation that would lead to something which we can hardly afford, at least not at this time,” aniya.

Ngunit sa kabila nang pagkaumid ng dila ni Duterte sa China sa nakalipas na halos limang taon, wala pang limang porsiyento ng ipinangako ng Bejing na US$234 bilyon loans at investment sa bansa ang natupad.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *