Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Maayos na halalan

NOONG 3 Nobyembre, nasaksihan ng buong mundo ang halalang pampanguluhan ng Estados Unidos na pinagtunggalian nina Joe Biden at Donald Trump. Maraming nagbantay sapagkat huwaran ang kanilang sistemang panghalalan at nagsisilbing  gabay ito ng maraming bansang demokratiko.

Marami ang nagulantang sa inasal ni Trump. Gumamit ng ‘dirty tactics’ ang kampo ni Trump sa pamamagittan ng pagkalat ng maling impormasyon at “fake news” tungkol kay Biden. Fast-forward tayo sa kasalukuyan at nanalo sa bilangan si Joe Biden at Kamala Harris.

Ang pagkakaroon ng “swing states” ay bahagi ng sistema ng halalang pampanguluhan sa US, at parehong nanalo si Biden sa bilang ng balota at bilang ng “swing states,” isang bagay na hanggang ngayon ay iniinda ng kampo ng natalong si Donald Trump.

Pero maraming dahilan ang naiatang sa pagkatalo ni Donald Trump. Isa na rito ang pagiging “racist” at “authoritarian,” mga bagay na ikinabahala ng karamihan ng mga African-American, Latino, at Asyano.

Heto ang magandang sapantaha mula sa kaibigan at kapwa- netizen na si Ding C. Velasco:

“When Joe Biden’s prospects to be the Democratic Party nominee flagged at the Iowa Primary and threatened to stall at the next; the African Americans of South Carolina backed him up big with a stupendous showing: Biden scored 39% in South Carolina which almost equaled the scores for Bernie Sanders, Liz Warren and the fourth runner.

From South Carolina, Joe Biden never looked back, notching very high points in the next primaries making it necessary for Liz Warren first, then Bernie Sanders to concede. Black America paved the road for Joe Biden to have a solid road to clinch the Democratic primaries and thus, making it easier for Joe Biden to solidify his candidacy as the unified, anointed candidate to face the populist Donald Trump.

On Election Night, Trump stormed to a vast early lead at 213 Electoral Votes, because the votes of his base were the first to be read and recorded because they lined up and voted massively on Election Day as per instructions from Trump himself.

Black America, the rest of Liberal America and the rest of Republicans fed up with Donald Trump led by George Bush (who had 80% of his Cabinet publicly endorsed Biden) voted early by Mailed in Ballots and Early Voting allowed by most States, made up most of the Record 103 Million Americans who voted early – either by Mailed in Ballots that Trumped branded early to be “fraudulent” or by voting early at allowed venues like the home of NBA Teams. The Atlanta Hawks venue in Atlanta, Georgia had the most voting booths at 310 and thus provided African Americans the opportunity to vote un-harrassed. The Atlanta votes were read and recorded late and so was pivotal in the dramatic turnaround for Georgia, a state led by Republicans except for the District of Black charismatic civil rights leader John Lewis to turn “Blue” for Biden at the most unholy hour for Donald Trump.

        So, all of you who prayed for a Biden Presidency musn’t begrudge African Americans’ claim their extra effort for Biden because what they claim is true. If there was one particular racial group who literally pushed Joe Biden to the Presidency very early in the game – it was Black America.

Maganda ang naging resulta ng halalan sa US. Sana ang halalan sa unang republika sa buong Asya ay maging katulad din nito.

***

KUNG manaig ang batas at sentido komun ng hukuman na naglilitis sa kaso ni Senador Leila de Lima, makauuwi siya sa darating na Pasko.

Matatandaan na ang dating DOJ secretary at senadora ngayon ay ipinakulong dahil sa paratang na sangkot sa malawakang bentahan ng droga sa Bilibid, bagay na pinabulaanan ng senadora at ng kanyang mga abogado sa pangunguna ni Atty. Boni Tacardon. Noong huling hearing sa Muntinlupa, kung saan nililitis ang mga kaso ni de Lima, nagsumite ng petition to post bail si Tacardon para sa dalawang kaso.

Tatlo ang kaso ni De Lima, dalawa sa Branch 205 at isa sa Branch 217 na nasa sala ngayon ng bagong hukom sa pamumuno ni Judge Buenaventura. Pero in fairness kay Judge Buenaventura sunod-sunod siyang nag-set ng hearing. Ang dalawang witness ng prosecution na si Vicente Co at Peter Sy na parehong convicted drug lords ang nagpatunay sa kanilang saysay na walang kinalaman sa illegal drug trade at walang tinanggap si De Lima mula sa kanila.

Dahil dito humihingi si Atty. Tacardon na bigyan ng hukuman si De Lima ng pagkakataong magpiyansa. Ito ay pagkakataon para sa akusado na pansamantalang makalaya sa PNP Custodial Center at magsisilbi rin itong pagkakataon na makapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa darating na kapaskuhan.

***

NO-SHOW si Mr. Duterte noong Lunes sa kanyang lingguhang proof-of-life media briefing. Habang nagsusulat ako, hindi ko alam kung nagka proof-of-life noong Martes, na balita ko ang bagong schedule ng weekly appearance ni Mr. Duterte. Busy  ako sa pagsusulat ng kolum na ito.

***

Si Debold Sinas ang bagong PNP Chief. So matagumpay niyang nakuha ang puwesto matapos italaga siya ni Mr. Duterte. Matatandaan na si Sinas ay nagkaroon ng issue dahil nagpapiging siya sa kaarawan niya sa kasagsagan ng CoVid lockdown. Nakita siyang lumabag sa quarantine protocols. Hindi nakalilimot ang madla dito at sinasabi ng marami ang pagpapatupad sa batas ay ayon sa tindi ng impluwensiya.

Sa aking sapantaha mas madaling kalawitin ng Malacañan ang leeg ni Sinas kay Eleazar, na by-pass sa appointment ni Sinas.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *