Thursday , December 26 2024

Rep. Joey Salceda sa DDR: Ilang paghihirap pa bago ipasa ng Senado?

ISA PANG “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol na biktima ng bagyong Rolly. Ilan pang buhay ang kailangan masakripisyo bago umakto ang Senado at ipasa ang kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR).

Ito ang tanong ni Albay Rep. Joey Salceda sa Senado sa harap ng patuloy na pagtutol na ipasa ang DDR na una nang sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at naipasa na rin sa House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Salceda isa nang “fact of life” ang kalamidad sa Filipinas, may mga aktibong bulkan ang bansa, mas marami at malalakas na bagyo ang pumapasok kada taon at dinagdagan pa ng climate change.

Ani Salceda, ang lahat ng epekto nito ay kayang mabawasan kung mayroong isang full-time agency na tutugon at maghahanda sa oras ng kalamidad.

“Fortune favors the prepared. We cannot avoid typhoons and other calamities that come with our geography, but we can keep the risks low and the damage controlled. That is resilience: being able to achieve meaningful progress despite natural and external adversities. The DDR will be the primary agency responsible, accountable, and  liable for leading, managing, and organizing national efforts to prevent and reduce disaster risks; prepare for and respond to disasters; and recover, rehabilitate and build forward better after the destruction,” paliwanag ni Salceda.

“How much human sufferings do we have to endure before we pass the vital DDR Act?”dagdag ni Salceda.

Ang kawalan ng pondo at dagdag na gastos para sa pagbuo ng panibagong ahensiya na DDR ang pangunahing dahilan kung bakit tutol sa panukala sina Sen. Panfilo Lacson at Dick Gordon ngunit dinepensahan ito ni Salceda, aniya, hindi dapat maging balakid ang pondo sa pagbuo ng mga makabuluhang polisiya dahil maaari itong hanapan ng Kamara.

“If the problem is the funding, it is the mandate of the government to look for the budget for the department.” pahayag ni Salceda.

Unang binigyang kasiguruhan ni Salceda sina Lacson at Gordon na hahanapan ng Kamara ng pondo ang pagbuo ng DDR, aniya, ang Committee on Ways and Means ay patuloy na naghahanap ng dagdag na pondo para sa national government sa pamamagitan ng ipinapasang tax policy reforms.

“We can be efficient in funding the DDR. We can find the funds for the new agency. But, if the problem is funding, then let’s find the funding, and not deny the problem,” nauna nang pagdepensa ni Salceda.

Taong 2010 nang ipasa ng Kongreso ang landmark legislation para sa disaster-risk reduction and management na Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (DRRM Act), bagamat nakatugon sa nagdaang mga kalamidad ngunit nang tumama sa bansa ang Supertyphoon Yolanda noong 2013 ay nakita ang kahinaan nito padating sa koordinasyon at pagpapatupad ng large scale disaster-risk reduction and management efforts kaya iminungkahi ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang pagtatatag ng DDR para mayroong bagong tanggapan na makatutugon nang mabilis sa panahon ng kalamidad.

Sa  inaprobahang House Bill 5989 o Disaster Resilience Act ng Kamara na magtatag ng DDR ay maeestablisa rin ng National Disaster Operations Center (NDOC), na mangangasiwa sa monitoring at magreresponde sa mga lugar na apektado ng kalamidad,  Alternative Command Centers (ACC), ang command center na tutulong sa NDOC at Disaster Resilience Research and Training Institute (DRRTI) na mangunguna sa training at pamamahagi ng impormasyon.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na magdekara ng state of calamity at magpataw ng administrative sanctions sa local offiials na hindi gumaganap sa kanilang tungkulin sa oras ng kalamidad.

Hindi lamang simpleng ahensiya ang DDR dahil sa oras na maisabatas ang Disaster Resilience Act ay tutugunan  nito ang lahat ng paghahanda at rehabilitative efforts sa lahat ng uri ng natural hazards kabilang rito ang Geological Phenomena gaya ng earthquake, volcanic activity, Hydrological, Oceanographic at Meteorological Phenomena, Climate Variability/Change gaya ng El Niño/El Niña, mga bagyo at pagpapatayo ng LGUs ng permanent evacuation center na nakaporma alinsunud sa standards ng United Nations Humanitarian Charter and Minimum Standards in Humanitarian Response.

Sa termino ni Cayetano bilang House Speaker natutukan ang pagpasa ng DDR alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ngunit patuloy itong nakabinbin sa Senado.

Nanindigan ang mga mambabatas na hindi na kailangan pang hintayin ang ‘the big one’ para umaksiyon at baka maging huli na ang lahat.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *