MALAPIT nang magtapos ang kauna-unahang batch ng mga taga-Taliptip sa kanilang pagsasanay sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) habang bubuksan ng San Miguel Corporation ang naturang programa para sa mas maraming Bulakenyo sa mga darating na buwan.
Marami na ang nagkaroon ng interes na sumali na nasabing programa, ayon sa SMC at TESDA at maganda ang naging feedback ng unang batch na kinabibilangan ng 60 estudyante.
“We are very pleased with the reports that the initial batch of enrollees who are formerly from Barangay Taliptip are very eager to learn and are doing well in their training. Sila ay masipag at mabilis matuto. We appreciate their effort in learning new skills during the pandemic as this shows their eagerness and pride to participate in a game-changer of a project that will not only benefit them, but also the generations to come,” wika ni SMC president and chief operating officer Ramon Ang.
Kinompirma ni TESDA provincial director Jovencio Ferrer, Jr., nakabubuti ang pagsasanay sa inisyal na batch.
“I see the ongoing training as effective since the graduates are equipped to become competent in their field of choice and prepared for either wage or self-employment.”
Ayon kina Arvee Vasquez, Erwin Libao, at Jojit Teodoro, ang kanilang kurso sa heavy equipment/hydraulic excavator ay makatutulong sa kanilang makahanap ng oportunidad sa airport project.
“Marami po akong natutuhan tulad ng pag-operate ng excavator at pati na rin ‘yung tamang attitude. Sa palagay ko makatutulong itong ginawa naming training lalong-lalo na ngayon na wala kaming trabaho,” wika ng 35-anyos na si Vasquez.
Ayon kay Libao, 35, matimbang para sa kanya ang mga pagkakaibigan. “Marami po kaming naging kaibigan na mga ‘di namin kilala na taga-ibang sitio at ‘yung pag-aaral naman namin ay napakasaya. Napalaking tulong at oportunidad lalo na po sa amin na hindi nakapag-aral ng college kaya’t kami ay nagpapasalamat.”
Sinabi naman ng 45-anyos na si Teodoro: “Marami kaming natutuhan at nag-alok pa sila ng iba pang kurso na libre sa tulong ng San Miguel. Nawalan nga ako ng hanapbuhay pero mabibigyan kami ng hanapbuhay sa tulong ng TESDA.”
Natuto si Geraldine Cunanan ng pagpili ng tela, pagsusukat, at aktuwal na pananahi na magagamit nya sa negosyo.
“Ang aming pananahi ay hindi lamang para sa amin kundi para na rin sa aming pamilya dahil ito ang nakikita naming solusyon sa malaking problema namin sa hanapbuhay,” wika ng 35-anyos na si Cunanan na ang ama ay dating fishpond caretaker habang ang ina naman ay isang mananahi.
Plano ni Mark Ivan Pilapil, 21, na magbukas ng eatery na malapit sa pagtatayuan ng airport.
“Malaking tulong itong pagsasanay namin sa TESDA at sa pamilya namin dahil pwede nang makapagtayo ng maliit na karinderya o negosyo sa itatayong paliparan o airport dito sa aming bayan,” wika nya.
Labis na natuwa si Eduardo Panganiban sa welding lessons at umaasang makakukuha ng trabaho sa sa airport.
“Maayos po na naipapaliwanag ng TESDA ang tungkol sa pagwe-welding at dahil marami kaming natututuhan ay malaki po ang posibilidad na makuha kami ng San Miguel kapag nagsimula na ang paggawa sa airport,” ani Panganiban.
Ang mga kurso sa ilalim ng SMC-TESDA program ay heavy equipment/hydraulic excavator course, shielded metal arc welding, electrical installation and maintenance, dressmaking, at cookery.
Umaabot sa 20 araw ang pagsasanay ng mga estudyante at may karagdagan pang tatlong araw para sa entrepreneurship training. Ang mga gustong magtayo ng negosyo ay bibigyan ng toolkits tulad ng welding machines at sewing machines.
“The toolkits to be given are a good starter component in setting up their respective enterprises and put into practice their hard-earned skills,” paliwanag ni Ferrer.
Magkakaroon ng assessment test ang mga graduate bago sila mabigyan ng National Certificates. Ang mga magtatapos sa heavy equipment/hydraulic excavator course, electrical installation and maintenance, at shielded metal arc welding courses ay ire-refer sa SMC Aerocity, isang kompanya sa ilalim ng SMC Infrastructure na hahawak sa airport development.
“We thank TESDA again for helping us in equipping the Bulacan residents with additional and new skills that will come in handy for those who want to work for us, or establish businesses that will cater not only to the airport but also to their respective communities as well. We need to work together to be able to ensure that the benefits of this airport will reach everyone and that it serves as an impetus for the country’s recovery from the CoVid-19 pandemic,” wika ni Ang.
Ang pilot batch ay galing sa 277 pamilya na kinabibilangan ng mga dating fishpond caretakers sa Taliptip.
Binigyan ng SMC ang mga may-ari ng hindi konkretong bahay ng P250,000 kada isa habang ang mga konkretong bahay naman ay binigyan ng appraised value na “multiplied by two” at may karagdagang P100,000.
Para sa mga nananatili sa Bulacan, tinutulungan sila ng SMC sa pamamagitan ng pagsasanay sa TESDA.
“We have a commitment to the Taliptip residents to make their lives better with this project. That’s why aside from the cash assistance, we have provided them opportunities for skills and livelihood training. We want them to work not only for us, but also with us in making sure that this project delivers on its promise to help the country recover and provide jobs to many Filipinos,” wika ni Ang.
Ang Manila International Airport (MIA) ay makatutulong na magbukas ang maraming negosyo kasama na rito ang suppliers, maintenance contractors, food providers at accommodations. Sa tabi ng MIA ay itatayo ang Bulacan Airport City Economic Zone na inaasahang magdadala ng negosyo sa Bulacan at magbibigay ng trabaho.