Saturday , November 16 2024

Takdang-aralin magiging basura, paano na? — Marcos  

NAGBABALA si Senadora Imee Marcos sa Department of Education (DepEd), Local Government Units (LGUs) at maging sa mga paaralan sa posibilidad ng problemang pangkalikasan, dahil magtatambakan ang mga printed self-learning module kapag nagbalik-klase na sa susunod na linggo.

“Isipin mo ‘yung multiplier effect ng dami ng modules sa kada subject, bukod pa ‘yung dami ng subject sa kada mag-aaral, bilang ng mga anak na mag-aaral sa kada pamilya, at dami ng mga tahanan sa kada komunidad, katapus-tapusan nito ay gabundok na basura,” pagdidiin ni Marcos.

Ayon kay Marcos, dapat mag-organisa ng sistema sa pagtatapon ng basura na mangunguna sa pag-recycle ng mga itinapong papel hindi lang sa mga urbanisadong lungsod kundi lalo sa mga lugar na limitado ang access sa online class at dedepende lang sa printed modules bilang paraan ng pag-aaral.

“Dahil biodegradable o nabubulok naman ang papel, maiging magkaroon ng plano sa pagreresiklo para mabawasan ang mga itatapong papel sa mga landfill o tambakan ng basura,” ani Marcos.

“Sa totoo lang, karamihan sa mga landfill ay halos tambak ng mga ginamit na papel. Sa bagong paraan ng ating edukasyon, hindi dapat maliitin ang posibleng banta nito sa kalikasan,” dagdag ni Marcos.

Binanggit ni Marcos na matagal nang problema ng mga lokal na pamahalaan ang dumaraming landfills kaya patuloy itong sinisikap kontrolin.

“Hindi ganoon ka-estrikto sa mga tahanan kompara sa paaralan ang waste segregation. Dahil karamihan ng mga eskuwelahan ay sarado,  mababawasan din ang sistematikong paraan ng paghihiwalay ng basura lalo ang mga gamit nang learning materials,” ani Marcos.

Kung makapagpapahiram ang DepEd, LGU o maging mga paaralan ng mga laptop o papayagan ang installment na paraan ng pagbabayad ay maiibsan ang pasanin ng mahihirap na mag-aaral na makasunod sa digital learning at mababawasan pa ang paggamit ng mga papel, panukala ni Marcos.

“‘Yung kabuuang gastos sa pagbili ng papel, ink at pag-iimprenta sa kada semestre ay maaaring katumbas na ng gastos sa pagbili ng mini laptop,” ani Marcos.

Dagdag ni Marcos, takaw-sunog ang papel at mas malaki ang tsansa ng aksidente sa mga tahanan na ang isa o parehong magulang ay kailangan pumasok sa trabaho at hindi masyado mababantayan ang mga anak.

Panukala ni Marcos, ang mga nanay na kailangang huminto sa pagtatrabaho para alalayan ang mga anak sa pag-aaral ay dapat isama sa subsidiyang galing sa gobyerno at job creation programs. (NIÑO ACLAN)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *