Monday , March 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 tulak sa Vale, huli sa buy bust

DALAWANG tulak ng shabu ang arestado matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Edmundo Acuña, 43 anyos, residente sa 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon, at Glennmore Gabriel, 40 anyos,  ng #365 Tata Andrez St., Barangay Parada.

 

Ayon kay Col. Ortega, dakong 1:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na sina P/SSgt. Alvin Olpindo, P/Cpl. Franciz Cuaresma, at P/Cpl. Dario Dehitta sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Sanchez ang buy bust operation laban sa mga suspek sa bahay ni Gabriel sa Barangay Parada matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad nito.

 

Isang poseur-buyer na pulis ang nagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P1,000 halaga ng droga.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga ay agad sumugod ang mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 12 gramo ng shabu na nasa P81,600 ang halaga, 2,250 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P270,000 ang halaga, buy bust money, P2,000 cash, cellphone at isang SYM Bonus 110 motorcycle.

 

Nahaharap ang mga suspek  sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Ani ng Laguna ANILAG Festival

ANILAG FESTIVAL LEVEL UP 2026

ni Roderick Palatino LAGUNA — Pinasigla at nagbalik tanaw ang mga manonood sa kanilang kapanahunan …

Sigarilyo Yosi

P.6-M ilegal na yosi nasamsam sa Pangasinan

SA MAS PINAIGTING na pagsugpo ng pananabotahe sa ekonomiya sa buong bansa, nagsagawa ang Criminal …

Bulacan PHACTO

PHACTO naglabas ng public advisory para sa mga turista at manlalakbay

HABANG papalapit ang panahon ng tag-init at ang paggunita ng Semana Santa na inaasahang lalahok …

Bulacan Nanays Day Out

Para sa kalusugan ng kababaihan at kapakanan ng pamilya
300+ INA NAKIISA SA NANAY’S DAY OUT

MAHIGIT 300 nanay mula sa buong lalawigan ng Bulacan ang nagtipon-tipon sa The Pavilion, Hiyas …

San Rafael, Bulacan

Senior citizen na MWP,  2 pa nasakote sa Bulacan

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa municipal level kabilang ang isang senior citizen ang magkakasunod …