Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

3-anyos totoy, naligis todas sa dump truck

BINAWIAN ng buhay ang isang tatlong-gulang na batang lalaki nang masagasaan ng dump truck na may lamang graba at buhangin sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay Rizal, lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela, noong Sabado, 13 Hunyo.

Ayon sa Cauayan police, binabagtas ng drump truck na mina­maneho ng driver na kinilalang si Michael Mangaoang, ang pabulusok na daan patungong Poblacion Cauayan nang masagasaan ang paslit na kinilalang si Wilfredo Aglugob, 3 anyos, residente sa P3 Rizal, sa naturang lungsod.

Salaysay ni Mangaoang sa mga imbestiagdor, sinubukan niyang iwasan ang biktima na tumatawid mag-isa sa kalsada ngunit nabunggo niya pa rin ang paslit.

Walang malay umano ang pamilya ng biktima sa insidente dahil inakala nilang naglalaro ang bata ng mga oras na iyon.

Dinala ang suspek at ang kaniyang minamanehong dump truck sa Cauayan City police station para sa nararapat na disposisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …