Sunday , November 17 2024

Walang matinong nilalang ang ‘di kontra sa terorismo

IKINABABAHALA ng marami ang pagkakapasa ng 2020 Anti-Terrorism Act sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso at lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo “Digs” Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas.

 

Ang 2020 Anti-Terrorism Act ay nagpapalawak sa Human Security Act na dati nang batas.

 

Ikinagulat ang ‘timing’ sa biglaang pagkakapasa ng nasabing batas na natiyempo — kung ‘di man sadyang inilusot — sa kasagsagan ng pandemic bunsod ng Chinese virus na COVID 19 kahit may mas malalaking problema ang bansa, lalo sa ekonomiya, na dapat bigyang prayoridad at atupagin.

 

Ilang mambabatas ang ipinabawi ang kanilang suporta at ipinabura ang pangalan bilang principal at co-authors, na dati’y kasamang lumagda sa pagpasa ng naturang batas.

 

Kung uunawain, tila ang dahilan sa pag-atras ng ilang mambabatas ay ang pagkakaiba o malaking pagbabago sa nilalaman ng ipinasang batas kaysa noong una pa lamang nila itong binabalangkas sa Kamara.

 

At ang mas nakababahalang isyu, mukhang lumalabas na ‘unconstitutional’ ang pagkakalikha ng 2020 Anti-Terrorism Act, na lalabag sa karapatan ng mga mamamayan na ginagarantiyahan sa ilalim ng Saligang Batas.

 

Kaya’t ikinababahala na ang mga nagpapahayag ng kontra sa mga nasa pamahalaan ang talagang pakay ng ipinasang batas.

 

Depensa naman ng ibang mambabatas, bersiyon daw ng Senado ang naipasang batas at hindi ng Kamara.

 

Imbes ipaliwanag ay tinawag pa ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ‘epal’ daw ang mga kumokontra sa ipinasa nila ng batas.

 

Sa panayam sa kanya, ang nakatatawang depensa ni Sotto:

 

“Pagpalagay mo, meron kang naka-suicide vest, ano ang gagawin mo? Kukuha ka ng warrant? Wala siyang kino-commit na crime, pero nakasuot siya ng suicide vest, kukuha ka ng warrant?”

 

‘Di ba para na rin sinabi ni Sotto na kung wala ang ipinasa nilang batas, magpapaalam muna ang arresting officer sa terorista para kumuha ng warrant of arrest para maaresto ang suicide bomber? Hahaha!

 

Komedyante talaga si Tito Sen, kaya’t nakalimutan niya na ang inihahalimbawa niyang eksena ay talagang kasama sa warrantless arrest.

 

‘Yun naman ay kung may matapang na awtoridad ang biglang lalapit para arestohin ang suicide bomber kung sakali.

 

Pinalitaw pa ni Sotto na mangmang sa batas ang mga tutol, ayon sa kanya:

 

“Ang hinihiling ng Kongreso, kung mapapalitan natin ‘yung Human Security Act, sapagkat ‘yung Human Security Act natin, ‘yung kasalukuyan nating anti-terror bill natin, ito ang pinakamahina sa buong mundo, hindi lang dito sa part ng Asia.”

 

Hindi siguro aalmahan ang ipinasang batas kung naaayon ito sa pamantayan ng mga bansang miyembro ng United Nations.

 

Katunayan, ang UN ay naalarma at sa inilabas na 26 pahinang report, anila:

 

“The proposed 2020 Anti-Terrorism Act, slated to replace the already problematic Human Security Act, dilutes human rights safeguards, broadens the definition of terrorism and expands the period of detention without warrant… The vague definitions in the Anti-Terrorism Act may violate the principle of legality.”

 

Palagay ko naman ay marunong bumasa ang mga opisyal ng UN at naiintindihan ang tama at mali, at kung ang ipinasang batas nina Sotto ay naaayon sa pamantayan ng mga bansang kasapi ng UN.

 

Walang matinong nilalang ang hindi kokontra sa terorismo, pero dapat matiyak na pakay ng batas ay hindi para lamang gamitin laban sa mga itinuturing na kalaban sa politika at hindi sang-ayon sa mga ginagawang kamalian ng mga nasa pamahalaan.

 

Hindi ba sa Korte Suprema ay may tinatawag din na dissenting opinion o kumokontra sa opinyon ng kapwa nila mahistrado – mamamayan pa kaya?

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *