Dear Sis Fely Guy Ong,
Ngayong panahon ng coronavirus, at kami’y narito lang sa bahay, sinusunod namin ang mga payo mo sa iyong programa sa radio na back to basic para palakasin ang immune system.
At isa ito sa ipinasasalamat ko sa enhanced community quarantine (ECQ) na kami’y narito lahat sa bahay — natigil ang pagkain namin sa mga fastfood at bumalik kami sa pagluluto ng sariwang gulay.
Kaya napansin ko na bagama’t nakatatakot ang panahon dahil hindi tayo sigurado kapag lumabas ng bahay, e nakakakain naman kami ng masusustansiyang pagkain.
Pero may isang bagay kaming naging problema, maraming maliliit na langgam sa bahay na kapag nalingat kami e bigla na lang napupunta sa balat at nangangagat.
At kapag nakagat kami ay nag-iiwan ng mapula at makating pantal na kapag kinamot ay nagsusugat. Nakupo, e talaga namang napuno ng peklat ang mga braso ko’t binti.
Ang ginawa namin, tuwing magkakapantal kami, papahiran namin ng Krytall Herbal Oil. Kinabukasan pagtingin namin wala man lang bakas ng pantal at kagat.
At nang itinuloy-tuloy namin ang pagpapahid ng Krytall Herbal Oil sa mga maiitim na bakas o peklat, isang linggo lang, pumuti na rin ang balat. At dagdagan pa ng isang linggo’y tuluyan nang nabubura ang peklat.
Amazing talaga!
Kaya naman lalo kaming bumilib sa Krystall Herbal Oil.
Thank you Sis Fely Guy Ong sa inyong napakagaling na imbensiyon.
Lubos na nagpapasalamat,
JOY AMAHAN
Gagalangin,
Tondo, Manila
Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong