Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FGO Fely guy ong miracle oil krystall

Krystall Herbal Oil nag-ampat ng pagdurugo ng sugat, scabies ng pet dog parang nagdahilan lang after one week

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Ako po si Sis Marilyn Muncada, 56 years old, taga-Laong Northern Samar.

Ako ay isa sa tagatangkilik ng Krystall herbal products lalo na ang inyong Krystall Herbal Oil.

Madalas po akong pinadadalhan ng sister ko ng Krystall Herbal Oil at ilang beses ko na pong napatunayan ang mahusay nitong nagagawa sa household emergencies.

Minsan, nakalawit ang balikat ko sa isang nakausling alambre. Hindi naman ito natusok pero nagdugo nang matindi.

Ang ginawa ko, hinugasan ko ng malinis na tubig at sinabon maigi saka binanlawan ulit. Pero patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng bulak, nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil saka mariin kong idinampi sa aking sugat.

After five minutes, pag-angat ko ng bulak, aba, tumigil na ang pagdurugo. Naampat na at ang tingin ko sa sugat ay parang natuyo kaagad. Napakapambihira talaga.  

Nito namang unang linggo ng Marso, bago maideklara ang enhanced community quarantine (ECQ), tinamaan ng salot na ‘scabies’ ang alaga kong aso na si Bruno sa paa.

Mabuti na lamang at napansin ko agad kaya ang ginawa ko, pinaliguan ko agad si Bruno at tinuyo ang kanyang kulot-kulot na balahibo.

Kasunod no’n kumuha ulit ako ng bulak saka dinampian ng Krystall Herbal Oil ang mga paa ni Bruno na apektado ng scabies. Araw-araw ko pong ginawa iyon.

Sa maniwala po kayo’t sa hindi, after one week, natuyo ang ‘scabies’ sa paa ni Bruno, hanggang napansin ko na rin na muling tumutubo ang mga balahibo sa lugar na tinubuan ng scabies.

Inabot po ako ng ‘lockdown’ dito sa Maynila pero araw-araw kinukumusta ko si Bruno na nasa Samar at ‘yun nga po, magaling na talaga siya.

Sister Fely Guy Ong, pambihira talaga ang husay ng inyong Krystall Herbal Oil. Tunay na miracle oil. Hindi lang pala sa tao mabisa, ganoon din sa mga alagang hayop.

More power po and God bless.

 

Thankfully yours

 

MARILYN G. MUNCADA

Laoang, Northern Samar

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …