HUMANTONG ngayon sa ika-18 araw ang COVID-19 lockdown sa Kamaynilaan at buong Luzon. Tanggap ito ng sambayanan dahil batid natin ang panganib na dulot ng pandemiko. Ayaw natin mahawa o makahawa.
Para sa hindi nakaaalam, ang ibig sabihin ng COVID-19 ay China Originated Virus Infectious Disease, at ang 19 ay nangangahulugang ito ang ika-labing-siyam na epidemya na nagmula sa bansang Tsina, maraming salamat kay Logie Kinko sa “pop-quiz” na ito.
Lagpas na sa kalahating buwan ang ating ‘bartolina’ at nararamdaman na natin ang hirap nito.
Bukod sa iniiwasan nating lumabas, maliban sa tulog at kain, nauubusan na tayo ng mga paraan upang maglibang sa loob ng ating mga tahanan.
Bukod sa trabahong online, hindi tayo nakapaghahanapbuhay, at kung tayo ay hindi obrero, trabahante sa pabrika, kawani o arawan na manggagawa, nauuwi ang mga transaksiyon natin sa Skype, Zoom at iba pang conferencing apps, bukod sa emails.
Nababatid na ang malaking dagok na nararamdaman sa hanay ng paggawa.
Sarado ang mga pabrika, hindi tiyak ang pananatili ng imbentaryo ng de lata, sabon, alkohol, personal hygiene products, at ibang mga produkto sa estante ng supermarket at grocery.
At dahil walang produksiyon ang mga nabanggit na produkto ay unti-unti nang nauubos sa mga estante.
Bagaman sinabi ng gobyerno na tuloy-tuloy ang dating ng mga produkto patungo sa mga palengke at pamilihang-bayan, hindi natuntunan ng sagot ang isyu ng supply na galing sa manufacturers.
Mabuti’t may manufacturers na nangako na pananatiliin nila ang produksiyon, bagay na ikinatuwa at malugod na tinatanggap ng publiko.
Ngunit nasaan ang gobyerno sa lahat ng ito?
Maliban sa iilang LGUs at sangay ng pamahalaan, wala tayong nakikita, bagkus marami tayong naririnig.
Puro hanggang parinig lang ang nagigisnan ng taumbayan.
Puro ngawa walang gawa, at batid ko na ang gobyerno ay unti-unting ginagawa tayong isang bansa ng ‘kalabit-penge.’
Sang-ayon ako sa mungkahi ni Nelson Obach, isang malapit na kaibigan at kaklase sa USTHS.
Nakikita niya ang maaaring mangyari kung tumagal ang lockdown.
Hindi malaon magkakaroon ng food riots na ang mga nagugutom ay sapilitang papasukin ang mga pamilihan, grocery at supermarkets.
Ito ay isang bagay na labis na nakagigimbal isipin, ngunit hindi imposibleng mangyari ito.
Ang Filipino ay pasensiyoso at matimpiin, at ang bawat ama o ina ng tahanan, kinahahalagahan ang kakayanan na suportahan ang pamilya.
Ngunit huwag na huwag alisin ang kakayahang pakainin ang kanyang pamilya, ito ay nagiging desperado, at dahil desperado, nagiging mapanganib at maaring gumawa ng marahas na paraan mapakain ang kanyang mga supling.
Dito ko naunawaan ang sinabi ni Pareng Nelson, dahil nakikita niya ang eksenang ito tuwing pupunta siya sa grocery o palengke.
Totoo, ang Filipino ay matimpiin ngunit ito ay may hangganan, at kahit sa patalim kakapit kapag inipit at pinahirapan.
Sa akin dalawang bagay ang magsisilbing mitsa.
Una, ang alisan ng kabuhayan para mapakain ang pamilya, at pangalawa, ang bibigyan siya ng pangakong walang katuparan.
Kailanman hindi sanay ang masipag sa asal na ‘kalabit-penge.’
Kung ito ang direksiyon na tinatahak ng kasalukuyang administrasyon, nakupo… nakupo nakupo…
***
Noong Martes ay nakatalaga ang lingguhang press briefing ng pangulo at ito ay mangyayari alas-kuwatro ng hapon. Naganap ang live telecast alas-onse pasado na ng gabi.
Pasensiya na kayo subalit tulog na ako nang mga oras na iyon.
Bukod sa dumaan ito sa on-the-spot edit, ani Philip Lustre Jr., walang bago o ‘earth-shaking’ na naganap.
Sa ganang akin, kapag pinahintay mo ang manonood ng halos walong oras, hindi mo pinahahalagahan ang oras nila, bagkus ipinakikita mong wala kang halaga bilang isang lingkod bayan.
Heto ang sinabi ng batikang direktor ng pelikula at patalastas na si Mike Alcazaren:
“Malacañang first announced that President Duterte would address the nation at around 4 pm.
The time was obviously an estimate. Why could they have not given a definite time for a country experiencing high anxiety because of this pandemic? For most national leaders around the world addressing their countrymen about the pandemic, these are done real time; meaning LIVE. However, we were clearly given a pre-recorded and edited speech.
On the 17th second (the start of the speech), zooming in on his watch, it appears to read 1:45 -1:50 pm. Then after the first frame, I counted around 21 “cuts” in the speech. To the layman, the cuts are an editing technique to “cure” an actor if that actor cannot do dialogue continuously. 21 cuts. Unfortunately, I could not make out the time on his watch by the end of the speech but by the process of deduction we can theorise that if Malacañang started recording him a little after 1:30 pm., they were probably thinking, they could edit the video and be ready by a “4-ish” broadcast. But something did not go as planned. Never has there been a nationwide address about a crisis as bad as we are experiencing, with 21 cuts. A simple address while reading a teleprompter at that. The final broadcast came at 11:30 pm.. Seven and a half hours later.
The issue of the lack of details on the spending is one thing but here’s why the timing and number of cuts is something we should also question. A healthy, coherent individual could have delivered that speech in one go. Just by reading a teleprompter. As the leader of a country up against an unprecedented health crisis, we also have the right to know, or rather demand to know the state or Rodrigo Duterte’s health. He cannot play this through propaganda and poor editing. It is our lives that are at stake.”
Pareho kaming galing pelikula at patalastas ni Direk Mike, at bihasa kami pareho sa kalakaran sa loob ng editing room.
Tungkol naman sa labis na paghihintay natin sa presidente, ito ang pananaw ko, kung hindi pang-gabi ang trabaho tulad ng sg, o BPO employee, ikaw ay isang maligno o lamang-lupa na lilitaw lamang kapag malalim na ang gabi.
Nadagdagan lang ang pagiging bulaan at lamanlupa ni Rodrigo Roa Duterte sa pananaw ng madla.
TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman