Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
FGO Fely guy ong miracle oil krystall

Krystall Herbal Oil epektibo rin sa pusa at sa iba pang alaga

Dear Sis Fely Guy Ong,

Magandang gabi po, i-share ko po pala sa inyo ang tungkol sa alaga kong pusa. Pinoy na pusa po siya hindi imported pero mahal siya sa akin.

Ang pangalan ko po sa kanya ay battery, kasi pure black siya. Sabi kasi ng mga tao parang commercial ng eveready battery.

Babae po ang pusa ko. Pansin ko may pumapatak na dugo sa kanya, sabi ng kapitbahay ko na may alagang asong imported, UTI ‘yan.

Sabi ko, UTI lang pala, madali lang ‘yan. Pinainom ko po ng Krystall Yellow Tablet. Isang araw tatlong beses ang inom, nawala po agad kinabukasan. Akala ko magaling na, pagkalipas ng tatlong araw dinugo uli ang pusa ko. Pinainom ko uli ng Krystall Yellow Tablet, pero ganoon pa rin.

Akala ko UTI lang talaga, sunod na araw hindi na siya mapakali, panay ang ngiyaw sa akin. Kumakain naman siya, tapos hingal na hingal parang umiiri, humiga sa tabi ko.

Naawa na ako kasi labas na ang dila niya, naisip ko haplosan ng Krystall Oil ang tiyan niya at bandang balakang. Dinilaan niya ang langis sa tiyan niya. Hindi pa rin mapakali, ikot nang ikot sa tabi ko. Kinausap ko na, parang tao. Sabi ko ano ba ang nangyayari sa iyo?

Halos isang oras kong pinagtiyagaan na haplosan siya ng Krystall Herbal Oil, maya-maya pumasok sa basurahan namin na walang laman, nakatayo siya, nakahawak ang kamay sa pinakabunganga ng basurahan, umiiri talaga, ‘yun pala ilalabas niya ang inunan siguro ‘yun ng anak niya, ay sus, nakukunan pala ang pusa ko.

Kung hindi ko siguro hinaplosan ng Krystall Oil ang tiyan niya nang matagal, hindi nakalabas ang inunan ng kuting niya, malamang namatay ang pusa ko. Kasi may kapatid siya na ipina­ampon ko. Nagkuwento ang umampon na naku­nan daw ang pusa nila at namatay. Hindi siguro nakalabas lahat ng anak at inunan kasi halos isang linggo din daw dinugo.

Kaya totoo po na hindi lang para sa tao ang Krystall Herbal products, puwede rin po sa mga alagang hayop natin.

Salamat po Sis Fely, naligtas ang buhay ng alaga kong pusa.

Nagpapasalamat,
Felida E. Pascual
Sto. Tomas, Batangas

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …