Wednesday , December 25 2024

Salceda: CITIRA, positibong tatatak sa ekonomiya

ITINUTURING na panga­lawa sa 1987 Konstitusyon ang kahalagahan ng panu­kalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act’ (CITIRA), na ipinasa ng Kamara nitong nakaraang linggo, dahil sa mga positibong yapak na iiwanan nito sa lahat ng sektor ng pambansang ekonomiya.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means committee chair at isa sa mga pangu­nahing may-akda nito, ang CITIRA (HB 4157) na umani ng 170 botong sangayon, kompara sa walong kontra at anim na hindi bumoto, ay ‘center piece’ ng mga repor­ma sa pagbubuwis. Panga­lawa ito sa Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyong Duterte.

Itinalaga ng Pangulo ang CITIRA bilang pangunahing tugon ng Filipinas sa US-China trade war.

“Isinasaayos nito ang estrukturang pang-ekono­miya ng bansa sa pamama­gitan ng pagbaba sa buwis sa kita ng isang milyong ‘small and medium enter­prises’ (SMEs) na nagbibi­gay trabaho sa karamihan ng mga mangga­gawang Pinoy habang isi­nasaayos ang mga insen­tibo ng 3,100 malalaking korporasyon na mapipilitang ilagay sa ayos ang kanilang operasyon,” paliwanag ni Salceda.

Sa kabuuan, tinatayang ang CITIRA ay lilikha ng 1.566 milyong makabuluhang mga trabaho at dadagdag ng 1.1% sa paglago ng ‘gross domestic product’(GDP) sa unang taon at taunang 3.6% mula 2020 hanggang 2030, habang mababang 0.9% lamang ang ambag sa taunang ‘inflation,’ dagdag niya. “Sa pamamagitan ng pagbaba sa 20% mula 30% ng ‘corporate income tax,’ pakikilusin natin ang sigla, bisa at ‘productivity and innovation’ ng mga kom­panya sa bansa, Batay sa ‘Top 1000’ mga kumpanya ng SEC (Securities and Exchange Commission) noong 2017, inaasahang muling pupuhunanin ng mga kompanya ang 87% na natipid nila sa buwis para lalong palakihin ang kanilang negosyo, lumikha ng bago, at gumawa ng kaukulang mga ‘research and development’ (R/D), dagdag niyang paliwanag.

Pangunahin ang CITIRA sa mga prayoridad na panukalang batas ng ‘18th Congress’ nang hindi ito nai­pa­sa noong ‘17th Con-gress.’ Dating ‘Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportu­nities’ (TRABAHO) ang taguri rito.

Tiniyak ni Salceda na may pinaka-kaakit-akit itong mga insentibo sa rehiyon ng ASEAN “ngunit walang ‘forever,’ walang mga lu-sutan, at ang mga ibsen­tibo ay batay sa totohanang nagagawa at hindi sa mga pangako lamang.”

Hahayaan din ng CITIRA ang dating rehistradong mga negosyo na lumipat sa bagong plataporma nito na lalong magiging kapaki-pakinabang sa kanila. Ipina-liwanag din ni Salceda na sa ilalim ng SIPP (Strategic Investment Priorities Plan) na kalipikado ang 64% ng mga kompanya, maaari silang patuloy na mag-aplay para ituloy ang kanilang mga insentibo, ngunit batay sa tunay na bisa ng kanilang operasyon.

Sa unang tatlong taon, dagdag niya, aaprobahan ng pamahalaan ang aplika­syon ng mga kompanya at ibibigay sa kanila ang isinaayos na mga insentibo gaya ng mga sumusunod: 50% dagdag na bawas buwis sa paghirang ng mga manggagawang lokal,  50% bawas sa paggamit ng mga kasangkapang lokal,  100% bawas sa gastos sa pagsa­sanay ng mga mangga­gawa, 100% bawas sa gastos para sa R/D.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *