Thursday , March 30 2023
Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Sen. Cynthia Villar

KUNG tinitiyak man ng kampo ni Sen. Cynthia Villar na mananalo sila sa darating na May 13 elec­t­ions, hindi nangangahulugang makukuha nila ang una o pangalawang puwesto ng senatorial race.

Maraming kontrobersiya si Villar na lumala­bas sa ngayon at tiyak na huhusgahan siya ng mga botante base na rin sa mga usaping kan­yang kinasasangkutan. Hindi mapagtatakpan ng sandamukal na TV ads at propaganda materials ang mga isyung kanyang kinakaharap, at dapat magpaliwanag siya sa taongbayan.

Kung tutuusin, hindi naman lalabas ang ganitong mga usapin laban kay Villar kung talagang wala namang dapat na kalkaling baho na kanilang itinatago.

Ang usapin sa unli rice, room nurse, pagsusulong ng rice tarrification law at iba pang kontrobersiya ng senador ang kailangan nilang salagin at ipaliwanag.

Halos dalawang linggo na lamang ang nalalabi para sa nakatakdang halalan at masasa­bing mayroon pang panahon si Villar para ipali­wanag sa mga botante ang mga kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan.

Hindi dapat ipagkibit-balikat lamang ni Villar ang mga akusasyon laban sa kanya dahil tiyak na huhusgahan siya ngayong darating na eleksiyon at malamang ang ambisyon niya na mag-number one sa senatorial race ay tuluyang mauuwi sa bula.

Kung pumangalawa man si Villar sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, malamang bumaba siya sa listahan sa mga susunod pang poll at makipag-agawan na lamang ng puwesto kina Bong Revilla, Imee Marcos at Jinggoy Estrada.

Hahataking pababa si Villar sa kanyang mga kontrobersiya, hindi lamang dahil sa isyu ng unli rice, room nurse, rice tariffication kundi pati na ang ginawa niyang ‘pagtulog’ sa kanyang komite ng National Land Use bill na isang priority measure na isinusulong ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Hindi rin dapat kalimutan ang hinaing ng mga nakabili ng house and lot sa kanyang mga pag-aaring subdivision  na umano’y palpak ang pagkakagawa at substandard ang mga ginamit na materyales, dahilan para maya’t maya ay ipinaaayos ng mga kababayan natin na nais magkaroon nang maayos na bahay.

Hinaing mga house owners na madalas umano silang nagpapagawa ng kanilang bahay na nabili sa mga kompanya ng pamilya Villar dahil madalas  nga itong masira. Kapag dumarating ang tag-ulan ay kalbaryo ang kanilang dinaranas dahil sa mga tumutulong bubong at sira-sirang tiles at iba pang gamit sa nasabing pabahay.

Kaya nga, masasabing tagilid talaga si Villar, hindi dahil siya ay matatalo kundi baka sa panghuling puwesto siya mailagay dahil sa kanyang mga kontrobersiyang kinakaharap.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *