Friday , May 16 2025

‘Home-to-school roads’ prayoridad ng Ang Probinsyano Party-List

NAGSISILIBING hamon para sa popular congres­sional candidate na Ang Probinsyano Party-List ang malalayong paaralan mula sa mga bahay ng mga estudyante at guro sa probinsya.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 8,000 ang tinatawag na “Last Mile schools” o malalayong eskuwelahan  sa buong bansa.

“Madalas sa malala­yong lugar, kailangan maglakad nang kilo-kilometro ang mga guro sa mga daang maputik at mapa­nganib para lang makarating sa eskuwe­lahan at makapagturo.

Ganito rin ang pinag­daraanan ng mga estu­dyante sa mga kana­yunan na nanggagaling sa mga karatig-bayan at araw-araw ay naglalakad para pumasok sa malala­yong eskwelahan,” sabi ni AP-PL nominee Alfred delos Santos.

“Ang edukasyon ay isang karapatan, at dapat ay mapadali natin ang daan para sa ating mga kabataan tungo sa karu­nungan,” paliwanag ni Delos Santos na isang youth welfare advocate.

Sinabi ni Delos Santos na ang AP-PL ay patuloy na hinahamon sa pagbi­bigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga probinsyano, lalo sa mga nakatira sa mga lugar na tinatawag na geogra­phically isolated, dis­advantaged and conflict-affected areas (GIDACs).

Sakaling mahalal ang AP-PL sa kongreso, isa sa mga prayoridad nito ang pagsisiguro na ang mga kalsada at daan ay mas maging maayos para sa lahat at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag­papalakas ng Access Roads to all Learners (ARAL) Law sa pakikipag­tulungan naman sa DPWH, ani Delos Santos.

“Ang edukasyon ay karapatan ng bawat isa at dito pantay-pantay ang lahat.

“Ang layunin ng edu­kasyon ay itaguyod at palakasin ang lipunan. Pinupuksa nito ang kahira­pan at kamangmangan,” sabi ni Delos Santos na isang rin Bikolano.

Aniya, “malaki ang ginagampanan ng edu­kasyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa. Napakabata ng ating populasyon at mahalaga na bigyan natin sila ng tamang kakayanan at kasangkapan para sa kinabukasan.”

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga Pinoy ay higit na limitado sa pagkakamit ng edukasyon. Dagdag pa rito, ipinapakita ng datos ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na halos kalahati ng mga school dropouts sa Filipinas ay nabibilang sa pinakamababang 25% ang kinikita. Ang mga pamilyang ito ay sa ikaapat lang ng lipunan ngunit ang kanilang mga anak ay bumubuo sa kalahati ng mga tumutigil sa pag-aaral.

“Malaki ang maitu-tulong ng mga kalsada patungo sa mga paaralan sa paglutas ng problemang ito,” dagdag ni Delos Santos.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *