Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po Sis Fely.
Ako po si Eufemia Villado, 55 taong gulang, nakatira sa Antipolo Hills Subd., Antipolo, Rizal.
Sana po ay makapulot tayo ng aral sa ipapamahagi kong kuwento o patotoo tungkol sa ating gamutan.
‘Yung anak ko po ay nakatira sa isang subdivision. May asawa na siya. Minsan po ay nahiwa ang kamay niya dahil sa kanyang ginagawa.
Ginamit po nilang pang-unang lunas ang mga gamot Krystall na nasa tahanan nila. Kuwento ng aking anak, inilagay niya ‘yung dinidik na Krystall Yellow Tablet sa duguan niyang daliri at binuhusan pa niya ng Krystall Herbal Oil.
“Dadalhin na sana ako ng asawa ko sa hospital, pero naimpis na agad ang pagdurugo,” ‘yan ang sabi sa akin ng aking anak.
Medyo malayo-layo rin ang pagamutan, kaya natuwa sila na hindi na siya kailangan isugod doon. Dahil nga sa husay ng Krystall Herbal Oil ay naampat ang pagdurugo ng sugat ng aking anak.
Sa bisa naman ng Krystall Yellow Tablet ay nakaiwas siya sa matinding pangingirot at impeksiyon.
Pati sa aking apo na 5 taon gulang, ‘yan din ang ginagawa niya kapag nasusugatan.
Salamat nang marami sa mga gamot Krystall na gawa ni Sister Fely Guy Ong.
Nagpapasalamat,
EUFEMIA VILLADO
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong