Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iba ang galing ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Magandang araw po sa inyo. Ako po si Shirley Cuntapay, taga-Cainta Rizal, 50 years old.

Sumulat po ako sa inyo upang ibabahagi ang karanasan ko tungkol sa kalusugan at kung paano napagaling ng inyong produkto na Krystall.

Ang una ko pong ipapatotoo, ang aking anak ay nagkaroon ng pangangati sa balat at namumula, nagbubutlig at hindi po namin malaman kung ano ang naging dahilan dahil bigla lang pong nagsisilabasan.

Ang ginawa niya uminom siya kaagad ng gamot sa botika at tatlong araw na, hindi pa rin gumagaling at wala pa rin ipinagbago. Hindi man lang nabawasan ang pamumula at ang kati kaya ang ginawa ko naisipan ko iyong produkto ninyo.

Agad akong tumawag sa office ninyo at nagtanong kung ano ang maigagamot at itinuro din naman ng nakausap ko. Sinunod ko kaagad iyon at ako ay nagtungo agad sa clinic ninyo at bumili ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs at pinag-CPC ko siya. Pinaiwas ko na rin po siya sa bawal na pagkain na malalansa tulad ng itlog, manok at iba pa.

Pangalawang inom lang niya ng gamot ay nakitaan na agad ng pababago. Umimpis na ang pamumula at hindi na siya masyadong nanga­ngati. Dalawang araw lang niyang ininom ang gamot niya ay talagang magaling na.

Sa tulong ng inyong produkto, ako ay nanini­wala na marami pang malulunasan dahil sa napa­kabisa ng inyong gamot.

Pangalawa, ako ay nagkatrangkaso dahil po siguro sa sobrang pagod ko sa aking trabaho at minsan ay hindi maiwasan na makaligo sa gabi.

Iyon pala ay mali na gawin ko dahil puwede pala akong ma-stroke.

Noong nilalagnat na ako, uminom ako ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs at noong bumaba na ang body temperature, ako ay nag-soaking at saka nagpahaplos ng Krystall Herbal Oil sa buong katawan at pagkatapos kong haplosan, ako ay nakatulog.

Pagkagising ko ay parang walang nangyari dahil napakagaan ng aking pakiramdam. Ako ay tuluyan nang gumaling. Sa ngayon ay patuloy pa rin ako gumagamit ng inyong produkto lalo na po ang Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs at Krystall Vit. B1B6.

Iyon na po ginagamit naming maintenance for prevention.

Maraming, maraming salamat…

Nagpapasalamat,
SHIRLEY CUNTAPAY

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …