Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Krystall Herbal products nakaabot na sa Cyprus

MAGANDANG buhay po sa inyo Sis Fely Guy Ong at sa lahat ng mga suki ng inyong products.

Ang aking Mommy (lola ko pero ‘yan ang tawag namin sa kanya), ay isang caregiver sa Cyprus.

Ang alaga niya ay isang biyuda, edad 88-years old. May sakit na Alzhemeir. Nitong nakaraang taon napansin ng Mommy ko na laging nagmumuta ang right eye niya.

Dahil laging naka-tune-in ang Mommy ko sa Live Streaming ng himpilang pinagpala narinig niya na ang Krystall Herbal Eyedrop ay magaling sa Glaucoma at katarata.

Kaya nagpabili ang Mommy ko sa Victory Mall at ipinadala sa isang kapatiran na pabalik sa Cyprus.

Sa araw-araw na pagpatak ng Krystal Eyedrop 3x a day nakita ng Mommy ko na may muta na nagsilabas na buo-buo kulay dilaw na bilog-bilog.

Hanggang ito ay unti-unting nawala at hanggang sa ngayon hindi na rin humihinto sa pagpapatak ng Krystall Eyedrop ang Mommy ko sa mata ng alaga niya. gaya nang sabi n’yo sa programa na ipagpatuloy lang ang paggamit bilang protection.

Isa pang patotoo ay tungkol sa Krystall Yellow Tablet. Nakalmot ng pusa ang Mommy ko sa right hand niya. Medyo natakot siya dahil ang lakas ng dugo at akala niya may ugat na nakalmot din? Dali-dali niya itong hinugasan at nilagyan ng betadine sabay inom ng dalawang tableta ng Krystall Yellow Tablet.

Sa tatlong araw lang na pag-inom, 3x a day din ay nagsara ang nakalmot niyang kamay at hindi na rin ito sumasakit.

Mabuti na lang at may programa kayo sa himpilang pinagpala na nagbabalita ng inyong mga turo tungkol sa natural na gamutan.

Ngayon ito ay ipinamamalita ng aking Mommy sa lahat ng sulok sa Cyprus.

Maraming salamat po sa inyo at sumaating lahat ang pagpapalang masagana buhat kay El Shaddai

Amen, Power! Power! Power!

                     Gumagalang,
                    MIKAELLA MAE M. YABUT
                     Bacog, Daanghari,
                            Navotas City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …